IDLLY... 31

1.8K 105 44
                                    

Dominique pov..

               "Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan!" Mabilis akong nagbaling sa katabi ko. At kita kong hindi parin maipinta ang mukha nito, na lihim ko nalang kinabuga nang hangin. Bago muling tinutok sa daan ang aking atensyon.. Kasalukuyan kasi akong nagda-drive patungong clinic, para doon nalang kami magkikita ni Debbie.






          Habang itong kasama ko naman, kanina pa hindi pa maintindihan parang nagmemenu-pause na ewan! Ni hindi na nga ako nakapag breakfast dahil wala kaming ginawa sa kuwarto kundi magdiskusyon nang walang katuturan! Kaya hindi ko tuloy maipigilang mapangiti habang nagmamaneho. Lalo na at hanggang ngayon mukhang selos na selos parin sya kay Debbie.







           Debbie is a good friend at galing  din ito sa simpleng pamilya. At take note, working student sya dati parang si Claudie- pasimple akong napasulyap sa aking katabing seryoso parin ang mukha. Dati syang nagwork sa kaibigan kong si Jeri na bestfriend nang Ex-girlfriend kong si Laura. Akalain mo yun- malapit na kaming maging mag business partner.








             "Idadaan nalang kita sa dorm ha, para ayusin mo mga gamit mo.." Malumanay na turan ko. Ni hindi ko na pinagtuunan nang pansin ang sinabi nito. Para kasi siyang bata e at pati ba naman pag-ngiti ko,  minamasama na din niya! Kung hindi lang kami parehong babae iisipin kong naglilihi na sya- lihim akong napangisi. Pero kaagad din lang akong natigilan nang bigla nalang sumagi sa aking isipan si Franco.







             Kung tutuusin ako yung may karapatang magselos dahil legit yung pinagaseselosan ko.  Lalong lalo na noong iniwan ko sya sa kanilang probinsya, kasama nang lalaking yun, paano pala kung--. Mabilis kong pinilig ang aking ulo, gustong gusto ko syang komprontahin.  Pero naalangan pa ako- baka masasaktan lang ako kung anumang isasagot nito.








             Bigla tuloy akong napapa-singhap, tsaka napahugot nang marahas na paghinga.. "Ayoko, gusto kong sumama sa clinic mo! Gusto kong makita kung anong itsura nang Debbie na yan.. Tinitiyak kong mas maganda ako sa kanya.." Napa-awang nalang ang labi ko sa mga pinagsasabi nito. Hindi pa ba kami tapos tungkol doon-  samantalang bago kami umalis nang bahay ang usapan ihahatid ko sya.








          "Seriously Claudie!" Di makapaniwalang bulalas ko.. "Nag-explain na ako kanina diba, college friend ko yung si Debbie at business ang pag-uusapan naming dalawa.." Medyo napataas na tuloy ang timbre nang boses ko. Sabay maagap na hininto ang sasakyan nang nasa kanto na kami pupunta sa kanyang inuupuhang dormitory.








              "Pero bakit parang iwas na iwas kang makita ko sya!" Seryosong napaharap sa akin. "O baka naman wala ka talagang balak ipakilala ako sa mga kaibigan mo. Dahil ginagamit mo lang naman talaga ako!" Litanya pa nito na lalong kuna-awang nang labi ko. A-ano bang pinagsasabi nya- buong angkan ko nga kilala na sya! Ano pa bang gusto niya. Samantalang ako- hanggang ngayon may kahati parin sa kanyang puso umaangal ba ako!?







           Hindi ko tuloy mapigilang magdamdam, kaya napapatiim nalang ako nang bagang. Sabay iwas nang tingin, lalo na at kung ano-ano na ring pumapasok sa utak ko! Pilit ko  na ngang nilalabanan, dahil alam ko sa simula palang ginusto ko ito.. Alam kong may nobyo siya at hanggang ngayon wala parin akong assurance kong ako ba talaga ang pipiliin niya sa bandang huli. Kaya heto kahit pinagmumukha ko nang tanga yung sarili ko. Sumusugal parin ako- ginagawa ko lahat nang paraan makasama ko lang sya!!








            "Sige na at susunduin nalang kita mamaya.." Pagkuwa'y hugot ko nalang nang malalim na paghinga. Ayoko na syang patulan dahil ang aga aga para masira ang araw ko. Marami pa akong inaasikaso..








I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon