IDLLY... 21

2K 144 44
                                    

Claudette pov..

              "N-nay.. Ahm, si Dominique nga po pala--" Naputol ang aking sasabihin nang maulinigang mukhang may iba pang tao sa labas nang pintuang naka-awang. Bigla naman akong sinalakay nang kaba nang hindi maipaliwanag.







             "Ako na ang bahalang magpasok dyan! Sige na bumalik kana doon.." Wika at taboy ni Nanay. Mukhang si Fermin yata iyon, yung kanyang kinakasama. Buti naman, hindi na nito pinapasok sa loob nang bahay. Medyo nakahinga ako nang maluwag lalo na nang marinig ang mga yabag papalayo. Pasimple ko ding inalis ang aking mga binting nasa kandungan parin ni Dominique.






             Mabilis ko itong inilipat sa lamesang kawayan na nasa tapat ko. At tinabi ang dalawang paa ko sa may bouquet nang maalalang hindi naman yan dapat sa akin. Si Dominique ang nakasalo niyan.. Lihim akong napapahugot nang malalim na paghinga. Pagkatapos sumagi sa isipan ko yung naabutan ni Nanay na eksena kanina.  Buti nga at ganun lang- Papaano kung halimbawa naaktuhan kaming may kamilagruhan ginagawa.






              Well, ikaw lang naman ang may maduming pag-iisip dyan.. Bigla nalang sumabat si brainy.. Ewan ko ba, pero nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing malapit sa akin si Dominique. Lihim akong napa-buga nang hangin, sabay mabilis na pinilig ang aking ulo.






            Bigla namang napako ang aking atensyon kay Nanay, sa malaking plastic bag at hila-hila nito  papasok sa loob nang bahay. "Ano ba yan Nay!?" Takang tanong ko dito. Sinabayan ko pa nang pagkunot noo.. Para kasi siyang hirap na hirap sa ginagawa nang mapansing halos puno ang laman nang puting plastic kaya mukhang  bigat bigat ito--







              "Abay, ano pa nga ba- di mga nilutong ulam at pagkain galing dyan sa kasalan.." Walang kagatol gatol nitong tugon. Na kina-awang nang labi ko at kinatirik nang aking mga mata. A-ano!?  Si nanay talga! Hindi man lang iniisip na may ibang taong nakakarinig. Bigla tuloy akong nakaramdam nang hiya kay Dominique.







             "Tulungan ko na ho kayo!" Presenta naman nitong katabi ko. At  akmang tatayo, pero maagap syang sinaway ni Nanay. Huwag na daw itong mag-abala pa! Dahilan upang kaagad din syang napahinto at mabilis na nagbaling sa akin. Nang wala sa loob na napa-kapit ang isang palad ko sa braso nito. May pagtataka man hindi nalang din sya kumibo.







                "Ano ba naman kayo Nay!Hindi pa nga tapos yung handaan, tapos- nag-uwi na kayo nang ke-dami dami at kong ano-ano." Sermon ko tuloy sa Nanay ko. Sabay napa-hilot nang sentido gamit ang libre kong kamay. Sakto namang narating na nito ang aming maliit kusina.







             ''Naku! Aba e- Pagkaraming nilulutong handa, hayun nga at hindi na sila magkamayaw doon. Mukha namang masasayang lang dahil halos bilang lang ang mga bisitang nagsipuntahan." Katwiran naman nito. Lalo naman akong nakaramdam nang hiya kay Dominique nang sandaling iyon.. Pero natigilan nang maramdaman ang pagpisil nito sa likod nang palad kong nanatiling naka hawak sa kanya.







             "At tsaka, siyempre nagpaalam naman ako sa kapatid ko." Tukoy naman nito kay Tita Myla. Sa nakababatang kapatid na nanay ni Monica.. "Kayo ba niyang bisita mo e kumain na!?" Tanong pa nito. Dahilan para hindi ako kaagad nakakibo. 







             Ipinapakilala ko pa nga lang sana si Dominique sa kanya kanina.. Kaso-- "Iayos ko na itong mga ulam dito sa may lamesa at kayo na ang bahala mamaya.." Dugtong pa nito.  Mukhang balak pa yatang bumalik sa may bulwagan.. Naku si Nanay talaga! Tiyak kong makikipag-inuman din doon kasama nang magaling niyang Jowa. Sumasakit na nga yung mga paa ko, pati tuloy ang aking ulo.







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon