IDLLY... 28

1.9K 108 32
                                    

Claudette pov..

           Napasinghap nalang, nang marahan akong kabigin ni Dominique sabay yakap nang mahigpit. Para bang sinasabing- kailangan kong iwaksi ang anumang agam-agam sa aking dibdib. Kusa naman akong napapikit, bago kumilos at masuyong gumanti sa kanyang yakap.







          Sa totoo lang, hindi ko na din maintindihan ang aking sarili. Masyadong komplikado itong pinasok ko at natatakot na ako sa nararamdaman ko. At nung sinabi nitong binalak pala akong iwasan, sobra akong nasaktan. Kaya sa inis ko, nakapagbitaw tuloy ako nang hindi maganda. Diba iyon naman talaga ang tama!?  Sabat bigla ni inner self.






             Kaya ko namang depensahan ang aking sarili, sya lang naman itong inaalala ko. Ayoko syang madamay, lalo at nararamdaman kong masyado nang sumisikip ang mundong aming ginagalawan. Habang mas lalo akong napapalapit nang husto sa pamilya nito. Yun naman pala- gawin mo na habang maaga pa--.  Shut up! Maagap ko tuloy na kontra.







             Pwede ba self, huwag mo akong pangunahan. Naguguluhan na nga, ginugulo mo pa lalo. Pwede bang pagbigyan mo naman ako. Kahit ngayon lang- gusto ko lang naman syang makasama!







          "Tara na sa loob?" Patanong nitong turan. Makalipas nang ilang minuto. Pagkatapos, dahan dahan na syang kumalas mula sa pagkakayakap. Kaya kusa na din akong napa-bitaw nang sandaling iyon.. "Huwag mo sanang pansinin at paka-isipin ang mga nasabi ni Tito Dexter saiyo. Ako nang bahala.." Hugot pa nya nang malalim na paghinga.






             Tipid na ngiti lang ang aking naging tugon, matapos itong tumitig sa akin. Halos hindi makatingin nang diretso dahil natutunaw ako sa paraan nang pagtitig nito. Tsaka, nakahanda naman ako- kung ano mang naghihintay sa akin sa loob.. 








           Magkahawak-kamay na kaming pumasok sa loob nang kanilang malawak na bakuran. Sa labas palang, dinig ko na ang komosyon sa loob nang malaking bahay. At kusa nalang pumasok sa isipang, balang araw maipagpapatayo ko din si Nanay nang ganito. O kahit hindi man kasing laki nito- basta maayos at magiging komportable ang Nanay ko.






           "Claudine.." Nagulat ako nang bigla nalang may tumawag sa akin. Pagkapasok na pagkapasok palang namin nang pintuan. Gosh! Hindi ko naman akalaing ganito pala kadami ang bisita. Parang sa reunion lang! Napatanga nalang ako at biglang napahinto sa paghakbang.. Lalo at kita kong papalapit na ang Mommy ni Dominique sa aming kinaroroonan.







            "Ang tagal tagal ninyo, tapos na tuloy ang hapunan.." Malumanay nyang turan. Nang tuluyan itong makalapit- tapos bigla nalang akong hinalikan sa magkabilang pisngi. At magiliw akong kinamusta at binati. Hindi tuloy ako nakapag-react nang sandaling iyon--.







            "Oh- look who's here. Ang aking mamanugangin!" Kasunod namang sumulpot ang Daddy ni Dominique. At kita ko din ang pagkagiliw sa kanyang mga mata. Namulat akong walang kinilalang Ama at hanggang ngayon, hindi nagkaroon nang pagkakataong makilala kong sino sya.. Kaya naman,  maiwasang makaramdam nang malamig na hanging humaplos sa puso ko. Matapos makita ang reaksyon ni Mr. Guevarra nang nakita niya ako..







            "H-happy birthday po.." Nauutal kong bigkas. Matapos, marahang bitawan ni Dominique ang kamay ko. Pagkatapos din akong pawalan nang mommy nito. Para si Mr. Guevarra naman ang siyang yumakap sa akin. Nahihiya man ay gumanti nalang ako, lalo nang makita ko kung papaano nagniningning ang mga mata ni Dominique nang sandaling iyon. Hanggang sa unti-unting lumapit ang ibang mga bisita sa amin.





I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon