IDLLY... 4

2.5K 110 12
                                    

Dominique pov..

                Kanina pa ako napapalatak habang panay ang sipat sa suot kong wrist watch. Five minutes... Pagbibigay kong muli nang taning at kung wala pa yung taong ka meeting ko humanda sya sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman yung tipong nag aantay nang ganito. Kaya pag ako nainis nang tuluyan, lagot talaga sya sa akin..







            Naka tatlong order na ako nang kape, putik ngayon lang ako pinag-antay nang ganito katagal. Hindi porket ako ang may kailangan-- napa buga nalang ako nang hangin. Masyado na ba akong desperada para  gawin ang bagay na ito!






                  Hindi ko na mabilang kong ilang beses ko itong pinag-isipan. Kaya lang kasi- pagod na din ako sa kaka kantyaw sa akin nang mga relatives ko. Lalo na ang mga pinsan kong ka edad ko na namamayagpag na ang mga career at lovelife. Kesyo sayang daw yung ganda ko, bakit wala man lang nagkaka gusto sa akin!







                 Kung hindi lang kasi- inagaw nang mismong kaibigan ang babaeng minahal ko. Hugot ko nang malalim na paghinga..Sana, matagal na akong naka settle down, na-na sana hindi ko nabigyan nang matinding kahihiyan  ang mga magulang mo.. Kahit pa sabihin nilang, wala lang sa kanila yung nangyari noon. Alam ko deep inside, masakit din para sa kanila--







                   TEKA! Parang pamilyar sa akin--  Biglang napako ang atensyon ko sa babaeng kakapasok lang ng cafe. Kung saan parang tangang kanina pa naghihintay sa ka meet up ko. Na kung makapag salita sya kagabi habang kausap ko sya sa phone, na maaga daw sya..







          Kausap nito ang isang waiter na tila may tinatanong or something hinahanap?







              Natigilan nang napagawi ang tingin nila sa direksyon ko dahil sakto ding bigla akong napa tayo.  Sinasabi ko na nga bang namumukhaan ko ang babaeng iyon.  Naningkit ang mga mata ko sa inis nang maalalang sya yung babaeng tatanga tanga na muntik ko nang ika disgrasya noong nakaraang araw!






               Sa edad kong iton at teen-ager palang ako noong natuto akong magmaneho. At kahit kailan, ni minsan hindi pa ako nagkaroon nang violation. At- sya pa itong may ganang sigaw sigawan ako.







            Yung reaksyon ko ay parang katulad din nang naging reaksyon nang sandaling nagtama ang aming mga mata. Tinitigan nya ako nang masama pagka tapos ay nagmamadaling sumugod sa kinaroroonan ko..Mukhang balak pa yatang mag iskandalo na naman!







             Pwes, wala akong balak para patulan ang mga taong tulad nya, kong iyon man ang hanap nang katulad nyang palengkera. Hindi ko sya pag-aaksayahan nang panahon dahil importanteng tao yung inaantay ko--




            

           "Ikaw??" Hindi makapaniwala na bulalas nya nang tuluyan na itong makalapit sa kinaroroonan ko. Ako nga! Ngisi lang ang naging tugon ko na lalong kina salubong ang kanyang kilay. "I-ikaw si Dominique--"







           "Yes, that's my name!" Sarkastiko ko namang turan at putol sa kanyang sinasabi. Pagka tapos ay tinaasan ko pa sya nang isang kilay.. "Bakit- hinahanap mo ba ako- siguro may binabalak ka sa akin no! Dahil halata mong may kaya ako, so, balak mo ba akong pagkaperahan!" Praka ko pang wika na kina singhap nya nang sandaling iyon. Balak ko lang naman syang asarin sa huli kong sinabi. Pero malay natin, baka nagkatotoo ang nasa ko.





               Gusto ko tuloy matawa habang pinagmamasdan ko ang bawat reaksyon nang mukha nya nang sandaling ito.. Parang gusto nya akong sunggaban, pero pinigilan lang nito ang sarili. Ngayon palang pagsisihan na nya kung may binabalak man syang hindi maganda. 





I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon