IDLLY... 29

1.8K 115 33
                                    

Claudette pov..

             "Umalis na!" Pasimpleng bulong sa akin ni Jona. Isa sa mga kasamahan ko dito sa beerhouse.. Hay salamat!!  Hugot  ko naman nang malalim na paghinga, bago dahan dahang hinawi ang kurtinang syang pinakublian ko. Ang nasisilbing tabing sa maliit naming palikuran, bukod sa plywood na pintuan.





             Hindi kasi ako pwedeng magtago sa aking kuwarto- tiyak kong iyon ang unang-unang papasukin ni Dominique. Once na, magpumilit na itong hanapin ako dahil ilang araw na syang nagpapabalik-balik dito at patuloy ko na naman siyang iniiwasan at tinataguan--..





              "Seriously Claudie!!" Ayy, anak nang butiki!!  Halos mapa-lundag ako sa pagkagulat, matapos tumambad si Dominique sa aking harapan. Napahawak nalang ako sa dibdib.. Speaking! Papaanong--. Kita ko naman nang pasimpleng napa-ngiwi iitong si Jona. Sabay kakamot-kamot nang kanyang batok. Akala ko ba naka-ali na!?





            "Sorry Claudia, hindi ko alam na susundan pala niya ako.." Hinging paumanhin nito. Sabay nag-peace sign pa, matapos ko syang tapunan nang nakakamatay na titig. Maagap syang nag-iwas nang tingin, pagkatapos- nagmamadali na itong umalis. Habang si Dominique, prenteng nakatayo sa mismong harapan ko. Naka-halukipkip at kita sa peripheral vision kong hindi maipinta ang mukha nito.





          Pagkatapos kasi nang party- kahit masakit, pinanindigan ko na ang pag-iwas sa kanya. Kesa naman, lumalim pa nang husto itong nararamdaman ko. Samantalang hindi naman ako bulag para hindi makita ang tunay talaga nitong pakay sa akin. Gusto akong gamitin hangga't napapakinabangan pa ako.





              Kaya habang maaga pa, unti-untiin ko na syang kalimutan- habang hindi pa ako tuluyang nalulunod sa aking nararamdaman. Pero sa totoo lang, inaamin ko sa sariling sobrang miss na miss ko na sya. Subalit nagtatalo palagi ang aking sarili- gusto kong ayusin ang lahat! Buuin muli ang sugatan kong puso para kay Franco. Si Franco.. Sobrang naawa na ako doon sa tao, sobrang guilty ko sa lahat nang nagawa kong pagkakamali para sa kanya.






           Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin ni Dominique. Pilit na iniiwasang mapabaling sa kanyang mukha, baka kasi mamaya madadala na naman ako sa mga titig nito- sa kanyang mga drama. Pinagbigyan ko na ang sariling makasama sya noong gabing iyon, nagpa-ubaya kahit pinagmukha ko nang tanga ang sarili ko. Pero sinisiguro kong iyon na ang huli!!





            Rinig ko ang sunod-sunod nitong paghugot nang marahas na paghinga.. Makaraan nang ilang minuto. Ramdam ko ang matinding tensyon, pero pilit kong ikinukubli nang sandaling iyon. "Kahit kasabwatin mo pa lahat nang mga kasamahan mo dito. Hindi mo ako malilinlang Claudie! Alam kong gabi gabi kang pumapasok. Hindi ko alam kong ano na naman itong drama mo- pero hindi ako pinanganak kahapon para agad-agad maniniwala sa mga alibi mo!!" Sermon niyang litanya. Dahilan upang awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay. Bago lakas loob na humarap sa kanya.







          Siya pa talaga ang may ganang magalit! Napatiim ang aking bagang. Bakit kasi ayaw pa niya akong tantanan- hindi pa ba obvious na ayoko na! Ah- alam ko na! Baka itong singsing na to' ang binabalik-balikan niya. Kung bakit kasi, lagi ko nalang nakakalimutang hubarin-  Ang sabihin mo, feel na feel mo lang maging Misis Guevarra pagdating nang araw! Kantyaw ko tuloy ni inner self. 






        Bwisit talaga!! Gigil ko itong hinuhubad sa aking palasingsingan. Kaya lang- hirap na hirap tanggalin, para kasing sinukat talaga sya sa aking--.






          "Wala akong sinasabing hubarin mo yan!!" Maagap nitong pigil. Sabay mariing hinawakan ang aking pupulsuhan. Habang nagtaas-baba ang kanyang dibdib at nagbabantang tingin ang pinukol nito sa akin.. "Claudie! Akala ko ba okay tayo!" Pagkuway, biglang nagbago ang timbre nang pananalita nito. Naging nalumanay, pagkatapos kita ko din ang pagbabago nang ekspresyon nang mukha nito- pansin ko din ang panlalalim nang kanyang mga mata. Pero mabilis kong pinilig ang aking ulo. Hanggang sa marahan na nitong binitawan ang kamay ko..







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon