IDLLY... 39

1.7K 115 53
                                    

Claudette pov..


           Hindi ko malaman- ano ba ang dapat kong itawag sa kanya.. K-kung Daddy ba- o Papa!? "T-tay!" Kusa nalang lumabas sa bibig ko ang katagang iyon. Habang nangingilid ang aking mga luha, dahil sa wakas may Tatay na din akong matatawag..






             Habang, titig na titig ako sa napaka-guwapo niyang mukha.. Kaya pala ang ganda ganda ko- dahil parehong may maibubuga ang aking mga magulang! At pinagmamalaki ko iyon sa buong mundo--.  Natigilan nang bigla nalang akong kinabig at niyakap nang mahigpit. Na awtomatiko namang kina-pikit nang aking mga mata at tuluyang kinalaglag nang aking mga luha.






         Sobrang nagagalak ang aking puso, dahil sa wakas nakita at nakilala ko na siya. Kaya lang, kaakibat naman nito ang ibayung sakit at lungkot. Dahil hindi man lang siya nakita ni Inay- pero ganun talaga ang buhay.. Marahan akong kumilos upang gumanti nang yakap- ni katiting wala akong maramdamang galit sa dibdib..






           Kung tutuusin, wala naman kasi siyang kaalam-alam tungkol sa akin. Kundi ngayon lang- at ang naging kasalanan lang naman nito. Pinagsamantalahan si Inay- kung hindi doon, wala sana ako, hindi sana ako isinilang sa mundong ito.. Kaya nagpapasalamat parin ako sa kanya nang buong puso.





          
          "Condolence Hija.." Mula sa likuran ni Tatay.. May biglang nagsalita, kaya bigla din akong napamulat nang mga mata. S-si Daddy Arnaldo-- at hindi ito nag-iisa,  dahil kasama nito si Mommy--. Asan si Dominique!?  Tila may kung anong sumundot sa puso ko nang sandaling iyon. Tsaka dahan dahang nakapa-kalas nang yakap sa aking Ama.






           Kunsabagay- pinagtabuyan ko sya at kung ano-anong mga sinabi kong masasakit na salita.. At alam kong nasaktan ko sya nang husto.. "M-maraming salamat po sa pagpunta.." Sincere kong turan sa mag-asawa. Habang walang humpay naman ang pag-agos nang aking mga luha.. Lalo na nang sabay pa akong niyakap nang sobrang higpit.






           "Nakikiramay kami anak.." Rinig ko pang turan ni Mommy Devine. Na punong puno nang sinseridad ang hamig, habang masuyong hinahaplos ang aking likod. "Malapit na din kasi yung opening nang bagong clinic- kaya pagpasensyahan mo na kung hindi nakasama si Dominique."






           Bigla- ay nagpapaliwanag din si Daddy Arnaldo.. Na lihim kong kinasinghap, dahil alam ko namang galit anak nila sa akin.. Kaya tiyak kong sadyang hindi talaga siya sumama. Isa pa, ayoko din siyang abalahin- sila ni Debbie. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait. Sa totoo lang, bagay na bagay silang dalawa..






          Mukhang- tuluyan na kaming maghihiwalay nang landas na dalawa.. Sana at maging masaya ka- Dominique.. Marami din akong inaasikaso at aasikasuhin pa sa pagkawala ni Nanay.. Hindi ko din alam kong anong mangyayari ngayong andirito na ang aking Itay..







            "Maraming maraming salamat po sa pagpunta at sa lahat nang tulong na ibinigay niyo po sa akin.." Hindi matapos tapos ang paghikbi ko.  At hindi din maubos-ubos ang aking mga luha nang sandaling iyon.. Habang nanatiling naka-akap sa akin ang mag-asawang Guevarra.







          "Walang anuman yun Hija.." Maagap na tugon ni Daddy Arnaldo. "Tsaka, nagkapag-usap na kami ni Mariano tungkol sa bagay na yan.." Dagdag pa nitong turan. Dahilan para mabilis akong napakalas nang yakap at nagbaling sa aking Ama. Na mataman namang nakatitig sa amin.






   
              "Uhm- dito po tayo.." Pagkuwa'y maagap na akay ni Monica ang magulang ni Dominique. Nang sa ganun, makapagpahinga muna sila. At pina-upo sa mga bakanteng upuan sa gilid. Kaagad naman silang sumunod sa pinsan ko at naiwan uli kaming dalawa nang Tatay ko.. Tiyak ko ding- si Daddy Arnaldo ang gumawa nang paraan. Para mahanap siya- sobrang nagpapasalamat talaga ako..






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon