IDLLY... 25

2K 117 57
                                    

Claudette pov..

               "Dominique..." Pigil ko. Hindi mawari kong hahawakan ko ba sya- o yayakapin, huwag lang itong umalis. Napakagat ako nang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang mga luha. Nang naramdamang nag-iinit ang sulok nang aking mga mata.






              Bakit ba ako nasasaktan nang husto, samantalang nagpapaalam lang naman syang maunang babalik nang San Fernando!? Bakit may pakiramdam akong, pagkatapos nito ay hindi na sya magpapakita pa? Na tuluyan na nito akong iiwasan.. "Dom please.. Dito ka lang!" Parang batang  maktol ko at may himig na nakiki-usap..






               Hindi napigil ang sarili nang hinawakan ko sya nang mahigpit sa kaliwang braso. Habang nanatili itong walang imik at halatang umiiwas magbaling ang tingin  sa akin. Nagtagal kami nang ilang minuto sa ganung ayos na walang kumikibo sa aming dalawa. Pero sa totoo lang, sobrang nagpapanic ang aking kalooban. Maya maya ay narinig ko syang sunod sunod na napapahinga nang marahas.






          "Ano bang gusto mong gawin ko?" Pagkuway seryoso nitong wika. "Mag stay dito at alam kong nasa paligid lang ang boyfriend mo. Tapos ano- anytime pwedeng pwede ka nyang lapitan- lambingin! Habang ako--." Bigla itong napa-hinto sa sinasabi.. Mabilis na nagbaling sa akin at kita kong namumula sa galit ang kanyang mga mata.







          "Habang ako- Manonood lang sa inyo!" Dugtong nitong turan. Tsaka napapamura nang mahina pagkatapos. Mariin nalang akong napapikit nang muli itong nagbaling sa ibang direksyon.. Hindi ko na kasi malaman ang sasabihin. Tsk! Hindi ko na alam- masyado na akong naguguluhan.






             "Dominique." Pagsusumamo kong muli. Matapos maramdamang pilit nitong inaalis ang palad kong naka hawak parin sa kanyang braso.. "Hindi naman kasi ganun kadali ang gusto mong mangyari e.."






          "Yun na nga diba!? Pati ako, gulong gulo na!" Napo-frustrate niyang bigkas. "Kaya mas mabuting ako nalang ang iiwas, hindi ako manhid Claudie! Masakit- masyado nang masakit dito!" Turo nito sa dibdib. Pagkatapos, tuluyan na akong tinalikuran.







          Gosh! Muli akong napapikit nang maramdaman, dahil tagos sa dibdib ang kaniyang huling sinabi. Kasabay nang aking pagsinghap ang pagmulat nang aking mga mata. Ang tuluyang pagbagsak nang masaganang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pilit na pinipigil ang impit kong paghikbi. Kaya niyakap ko nalang ang sarili nang sandaling iyon. Para kahit papaano, maibsan yung sakit na aking nararamdaman.






           Kaya lang, tila ayaw paring papigil ang mga luhang walang humpay sa agos. "Dominique." Paulit-ulit ding sigaw nang aking isipan. G-gusto ko syang habulin- kaya lang, tila naubusan na yata ako nang pwersa. Wala nang lakas ang aking mga tuhod at hindi ko na maihakbang ang aking mga paa. Tama sya, hindi ko naman basta basta pwedeng iwasan nalang di Franco--.






          "Hon.." Speaking of! Awtomatikong muling napa-pikit nang mariin.. Pagkarinig sa boses nang aking nobyo. Pasimple kong pinahid ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Bago pa man ito tuluyang makalapit. Lord! Ano po bang dapat kong gawin, nahihirapan na akong magdesisyon. Please Lord, tulungan niyo po ako. Taimtim kong dalangin habang pilit na kinakalma ang sarili.







          "Honey.." Muling pagtawag ni Franco. Habang nanatili akong nakatalikod sa gawi nito. Kaya lang,  kailangan ko din lang syang harapin. Hindi pwedeng hayaan nalang na maging ganito ang sitwasyon ko. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Bago ako tuluyang humarap dito.






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon