IDLLY... 13

2.1K 113 16
                                    

Dominique pov..


                Kahit kailan talaga ang babaeng yun, late nalang lagi!! Inis kong turan, pagsipat ko sa suot kong wristwatch. Salubong na ang aking kilay dahil nagsimula nang mag init ang ulo ko.. Paano ba naman kasi, mag alas sinco na nang hapon- hanggang  ngayon wala pa sya!? Naka alis na lahat lahat si Laura!!








                 Speaking of my ex-girlfriend..  Wala pa talaga sana akong balak lumabas nang bahay.. Hindi pa kasi mabuti ang aking pakiramdam dahil ilang araw  na akong tinatrangkaso.. Kung di lang dahil sa message nito kaninang umaga. Gusto daw akong makita at may importanteng sasabihin!?









                Ang gusto pa nga nito, sa bahay ako puntahan. Kaso naisip ko, hindi iyon magandang idea. Nag-alala ako bigla kay Mommy, ramdam ko kasing masakit parin para sa kanya ang mga nangyari.  Kahit pa sabihing limang taon na ang nakalipas.. Bakit saiyo hindi na ba masakit?  Hanggang ngayon nga hindi mo parin sya kayang palitan dyan sa puso mo!  Tuya bigla ni inner self.








            Ay hindi uy! Depensa ko naman.  Sadyang mailap lang sa akin ngayon ang pag-ibig.. Hugot ko nang malalim na paghinga.. Tsaka, mahigpit na bilin nang  Daddy ko huwag na akong magpadalos dalos sa susunod..Muli akong napa hinga nang malalim. At kung sakali mang magmamahal akong muli-- last na talaga.  Dahil kong sakaling sasablay pa, mainam nang magpaka tandang dalaga..







                  Balik tayo kay Laura.  Kaya sinagot ko itong, dito nalang ako clinic  puntahan nang hapon..Ni wala  nga  akong maisip na dahilan sa biglaan nitong pagpaparamdam. Pero nagtungo parin ako, baka sabihin nya ang bitter ko.  Bakit hindi nga ba!!?   Sabat na naman ni brain.. Ngunit nang iabot nito sa akin ang isang card-.  Sabay baling sa invitation letter sa ibabaw nang mini table.







              Pero kanina habang hinihintay ko itong si Laura, bigla kong naalala si Claudette. Hindi ito tungkol doon sa kissed--kasi wala lang naman yun! Depensa ko na naman sa aking sarili.I mean, na curiuos lang talaga ako kong anong trabaho meron itong si Clau..Kaya, pasimple  akong naki-usyoso nang gabing yun. At napag alaman kung isa pala itong- babaeng bayaran? Ah basta ganun!  Hugot ko nang malalim na paghinga. Pero kasali ba sa pag iimbestiga mo yung paghalik sa kanya!? 








                   Mabilis kong pinilig ang aking ulo.  Sinisiguro kong hindi na yun mauulit pang muli.. Nang dahil sa halik na yun- nagkasakit ako, paano kong may dala palang  virus ang babaeng iyon! Serbisyo lang nito ang kailangan ko bilang magpapanggap na girlfriend ko at hanggang din nalang--







            Natigilan at awtomatiko akong napa baling sa may pintuan nang basta nalang itong bumukas.  "Hindi ka man lang ba marunong kumatok!"  Mataray kong sermon pagkakita ko palang sa babaeng unang pagtatagpo palang nang landas naming dalawa. Kinaiinisan ko na! Hanggang ngayon -- Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon nang kanyang mukha nang sandaling magtama ang aming mga mata.. 








                "Alam ko namang mag isa mo lang  po kaya nagtuloy na ako." Sarkastiko nitong tugon.  Pagka tapos, walang sabi sabing basta nalang naupo sa may sofa. Sa tapat ko kong saan ako prenteng nakatayo.  May pagka kapal muks talaga itong palengkera na ito.. Pasimple ko pero siyang pinasadahan nang tingin habang busy din ang kanyang mga mata sa paglibot sa kabuuan nang clinic ko.  Na para bang unang beses palang niyang puntahan.. Samantalang pangalawang beses na niyang tumungo dito.  Isa pa, wala namang nagbago ah, mula nang huli nitong punta.








I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon