IDLLY... 24

2.2K 123 145
                                    

Claudette pov..

Napakunot ang aking noo sa pagtataka nang makitang pasimpleng umalis si Monica. Tapos kasunod kaagad nito si Dominique. Akmang susundan ko sana ang dalawa, kaya lang bigla silang tumigil. Huminto sa tapat nang sasakyan ni Dominique na naka-park may kalayuan sa aming kinaroroonan.





Mukhang may transaksyon yata yung dalawa, dahil seryoso at kailangan pang pribado kong mag-usap. Bigla naman akong may naalala, kaya pasimple kong binalik si baby Kaycee sa Yaya nito. Naisip kong ito ang tamang tiempo.Habang busy si Dominique at Monica pupuslit muna ako saglit para kausapin si Franco.





"Oh- Claudette, saan ang punta mo?" Natigilan ako sa paghakbang at lihim na napapa-ngiwi. Matapos marinig ang pag-tawag sa akin ni Laura di pa man ako nakakalayo. Tsk! Mukhang hindi yata ako makakalusot nito. "Maglunch muna kayo ni Dominique.." Dagdag pa nitong sabi.






Gusto ko lang naman sanang kausapin si Franco para sabihing hindi muna ako makakapunta sa bahay nila ngayon. Hindi ko naman basta basta pwedeng iwan si Dominique. Tsaka- hindi ko na din maintindihan itong sarili ko, hindi ko na alam kong ano itong pinasok ko. May boyfriend na ako tapos- hindi ko napigilan ang sariling aminin kay Dominique na may nararamdaman din ako sakanya. Lalo na at wala man akong makapang pagsisisi na nasabi ko ang nararamdaman ko dito.






Hindi ako pwedeng magkaila sa sarili, na gusto ko talaga sya- gustong gusto.. Gosh! Hanggang ngayon hindi ko parin maipaliwanag itong kasiyahang aking nararamdaman.. Tuwing naalala yung pag-uusap namin ni Dominique kanina, bumibilis ang pintig nang aking puso. Lihim akong napabuga nang hangin, bago marahang pumihit paharap kay Laura. Pasimpleng pinasadahan nang tingin ang napaka ganda nitong mukha. Tapos, lihim na natatawa sa sarili dahil wala na akong nararamdamang paghanga sa kanya.





Tila nabaling na lahat nang iyon kay Dominique. "Ahm- ano kasi, magbabanyo lang sana ako saglit!" Paalam ko at iyon ang naisip na idahilan nang sandaling iyon. Baka sakaling makasulot.. Seryoso naman syang napatitig sa akin, pagkatapos marahan na itong napatango bilang tugon. Hay salamat.. Hinga ko nang maluwag.






Hindi na ako kumibo nang muli ko syang tinalikuran at may pagmamadaling naglakad papalayo. Napapabuga nang hangin, tapos pasimpleng pumasok nang pintuan sa may kusina nang kanilang bahay. Buti nalang at walang tao dito kaya maagap akong lumusot sa pintuan sa may likod bahay. Kung saan sigurado akong kasalukuyang andoon si Franco. Hindi ko maiwasang makaramdam nang kaba lalo na nang marinig ang malutong nitong tawa. Mukhang nagkakasiyahan sila nang mga kasama.






Natitigilan nang makita ko syang, masayang nakikipag-kwentuhan sa mga grupong halos kamag-anakan ko din lang. Napahugot ako nang malalim na paghinga, tapos mataman ko syang pinagmamasdan habang hindi pa nito ako nakikita. Si Franco ang aking unang naging nobyo at ang dami dami kong binuong pangarap para sa aming dalawa. Yung tipong- kahit hindi ko nakikita yun sa kanya, lalo na kapag tinititigan ko sya sa mga mata. Na para bang, pakiramdam ko kuntento nalang sya kong anong meron sa aming relasyon.






Minahal ko parin sya, minahal ko pati ang buong pamilya nito. Kaya hindi ko lang akalaing- pwede pa pala akong magka-gusto sa iba! Ibig kong sabihin, hindi ko lang inakala sa sariling mahuhulog ako sa katulad ni Dominique. Dahil, napaka-imposibleng mangyari, unang una babae din sya katulad ko. Akala ko hanggang crush crush lang ako.






Pangalawa- pakiramdam ko hinding hindi kami magkakasundo sa ugali palang. Dahil sobrang magkaibang magkaiba kami, palagi lang kaming magtatalo sa lahat nang bagay. Pangatlo- napaka-taas nito, malayo ang agwat nang aming pamumuhay. Kaya naman, nakakababa sa sarili at magka-ibang magka-iba din kami nang pananaw sa buhay.






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon