IDLLY... 33

1.8K 114 58
                                    

Claudette pov..


           "Yung totoo, sinaktan ka ba niya!?" Halos umuusok na ang ilong ni Dominique. Habang naglalakad paroo't parito sa harapan ko, kanda hilo na nga ako kaka-sunod dito. Nakapamewang pa at namumula ang kanyang mukha sa sobrang panggigigil.





              Kakatapos lang nitong linisin at gamutin ang aking mga sugat, habang naka-ayos ako nang upo sa ibabaw nang kanyang kama. "Dom- tama na!" Malumanay kong bigkas. Matapos mahuli ang isa niyang braso, sabay hugot nang marahas na paghinga. "Relax ka lang kasi! Okay na ako at malayo to' sa bituka." Tukoy ko sa konteng pasa at bahagyang gasgas sa gilid nang aking labi.






             "Bakit kasi ayaw mo pang amining sinaktan ka nang Franco na yun!? Ipapadampot ko talaga sa pulis ang hinayupak na yun--." Natigilan, matapos ko itong hilain nang malakas. Dahilan upang mawalan sya nang balanse at saktong napadagan ito sa akin. Pagkakataon ko naman iyon para ibahin na ang usapan, nang masuyo ko syang dinampihan nang mumunting halik sa labi.






          "Clau-- hmn-." Reklamo nito. Pero hindi ko parin tinigilan ang paghalik-halik sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong dinaganan at napahiga kami sa kama nito. Mabilis na sinunggaban at siniil nang halik ang aking mga labi. Napa-ungol nalang ako sa sarap, na may halong sakit dahil sa aking sugat. 






             Buti nalang at kaagad din lang nito akong binitawan.. "Hindi mo ako madadala sa mga paganyan mo! Dahil kabisado na kita.." Turan nito. Bago sya tuluyang umalis sa ibabaw ko. Kaagad naman akong napasunod- muling umayos nang upo, pagkatapos mariing isinuklay ang aking mga daliri sa buhok ko. "Hindi lang ako kay Franco galit- huwag mo akong sagarin Claudie ha! Sinaktan ka na pero pinapamukha mo parin sa akin na pinagtatakpan mo yung ginawa saiyo!"






           Napabuga naman ako nang hangin.. "Iwan mo na ako Franco.." Hinila ko ang dala kung maleta at basta ko nalang itong nilagpasan.. Wala naman talaga akong balak sumama sa kanya, naiinis lang kasi ako kay Dominique. Bukod sa kasa-kasama niya yung Debbie na yun, na hindi naman kagandahan! Talagang mas pinili pa nitong samahan kesa sunduin ako dito--.






           "Teka lang Claudia." Pigil naman ni Franco. Matapos nitong hawakan ang braso kong siyang may hila sa maleta kong Pagkabigat-bigat.. "Hinanap talaga kita, hindi ko na kasi matiis e. Ni hindi mo na sinasagot ang mga tawag at text ko, kaya direstahin mo na kasi ako kung talagang ayaw mo na!" Awtomatiko akong natigilan sa huli niyang sinabi.






            "T-tao din lang ako, may puso- may damdamin at hindi maiwasang magawa nang hindi dapat." Hugot nito nang malalim na paghinga. Dahilan upang dahan dahan akong humarap sa kanya.. Maagap naman syang napa-iwas nang tingin.. "Akala mo ba hindi ko alam, usap-usapan na ngayon sa baryo na katulad nang pinsan mong si Monica. Pumatol ka na din daw sa babae, sa isang mayaman para guminhawa ang buhay.."







             Awtomatiko akong napasinghap, tsaka nanlaki ang aking mga mata! "Kaya gusto kong klaruhin mula saiyo- totoo bang may relasyon kayo nang Dominique na yun! Kitang kita ko naman kung papaano kayo magtitigan- kung papaano mo sya tignan.. May tinatago kayong dalawa!"  Ramdam ko ang paghigpit nang hawak sa aking pupulsuhan.






              "Franco, bitawan mo ako!  Nasasaktan na ako.." Mahinahon ko namang wika nang sandaling iyon. Siguro sinadya nitong puntahan si Dominique sa may clinic at nagkunwaring hinahanap ako sa kanya. Which is- hindi naman talaga nito alam kong saan ako nakatira dito..






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon