IDLLY... 30

1.9K 120 47
                                    

Dominique pov..

"Okay po Ma'am Velasco, sige.. Pagbibigyan ko kayo nang isang linggo, okay- okay po no problem.." Napabuga nalang ako nang hangin. Pagkatapos naming mag-usap ni Ma'am Sharon Velasco, o Tita Showie kong tawagin.






Nagising ako sa tawag nito, para sabihing kung pwede bigyan muna sila nang isang linggong palugit. Isang linggo, para makahanap nang ibang mapapasukang trabaho ang mga tauhan nito. At matitirhan, dahil karamihan sa mga ito ay sa mismong club na din naninirahan..







Pumayag na ako sa kahilingan nito, dahil ang totoo- gulong gulo ang utak ko.. Binili ko yung property na yun dahil sa paki-usap nitong kailangan niya nang malaking halaga. Dahil nagpag-alamang may nalubha syang karamdaman at kailangan nang agarang gamutan.







Mabilis lang lumambot ang puso ko sa mga ganun, umiiral kaagad yung pagiging pagka-maawain ko. Isa pa, si Claudette kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Pagkakataon ko na yun, para magkaroon nang dahilan upang maka-alis sya sa ganung trabaho.







Pero ang problema ko ngayon- kung anong gagawin ko sa area na yun! Bukod kasi sa pagiging dentista, wala na akong ibang alam tungkol sa pagnenegosyo.. Napapahilot tuloy ako nang sentido, bago nagpasyang tumungong banyo para maligo. Baka sakaling marelax yung utak ko at makakapag-isip na nang maayos.







Kaya lang, habang naka-tapat ang hubad kong katawan sa shower.. Si Claudette parin ang syang nagsimulang maglakbay sa aking isipan.. Siya na yata ang bukod tanging may pinakamatigas na ulong nakilala ko. Hindi lang yun- napaka taas nang pride! Hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa babaeng yun. Dahil sa kabila nang lahat, kahit ipagtabuyan pa ako- mahal ko parin sya!? Awtomatikong bumilis ang tibok nang aking puso.







Gosh! Oo mahal ko na siya, mahal na mahal.. Mas minahal ko pa sya kesa sa naramdaman ko noon kay Laura! Pakiramdam ko- hindi na ako magiging masaya, katulad nang sayang nararamdaman ko tuwing kasama ko sya. Mariin kong naihilamos ang dalawang palad sa aking mukha.. Nang kusa nalang naglandas ang aking mga luha.







Iniisip ko palang na tuluyan syang malayo sa akin- sobrang nasasaktan na ako! Kaya kahit pinagtabuyan nya ako kahapon, hindi parin ako titigil. Kailangan kong maka-isip at makagawa kaagad nang paraan para tuluyan na syang mapapasa-akin!







Nagpasya ko nang tapusin ang pagligo nang bigla kong naalala si Debbie. Naging kaklase ko sya dati nung college, naging kaibigan at isa na din syang dentista ngayon.. Kaso sa government health center sya nagtatrabaho. Ilang beses na akong nililigawan- ilang beses na itong nagpapabalik balik sa clinic at inaalok ako.. Kung pwede daw kaming magsosyo- partnership parang ganun. Gusto nitong magpatayo nang sariling clinic kaso kulang pa daw ito nang budget.







Hindi naman sya pwede sa clinic ko kasi masyado nang masikip, pang sa akin lang talaga yun. At kontento na ako sa cute pero maaliwalas kong pwesto.. Ano kaya kung gawin naming clinic yung nabili kong club- ako ang magpapaayos at sya yung magtatao at maghati kami sa kikitain nito. Basta, depende nalang sa aming mapag-uusapan.






Nagtapis lang ako nang tuwalya, bago nagpasyang lumabas nang banyo.. Magbibihis lang ako saglit, tsaka ko ito tatawagan at tiyak kong magugustuhan niya ang inaalok ko--.






"Claudie!" Awtomatiko akong natigilan pagkalabas ko nang pintuan. Matapos maabutang prenteng naka-upo si Claudette sa ibabaw nang aking higaan. Napakurap-kurap pa ako nang mga mata, baka kasi mamaya namamalikmata lang ako.







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon