IDLLY... 23

2K 121 41
                                    

Dominique pov..


              "Ahm- m-mukhang may tao yata sa labas." Turan nito sabay maagap na napa-iwas nang tingin. Oo nga! Narinig kong may tumatawag sa kanya, pero ayoko sanang pagtuuunan iyon nang pansin. Ang lakas kasi makapanira nang moment!







             Lihim akong napapa-buga nang hangin nang sandaling iyon. Gosh!! Andun na nga e- nasabi ko na ang nilalaman nang puso ko. Umamin na ako- na gusto ko sya. Kaya ang inaasam ko lang naman sana marinig ang kanyang tugon.. Kung ano ba- kung may nararamdaman din ba sya para sa akin--.







           "Ate, Ate Claudia andyan ka ba!?" Tawag muli nang baritonong boses. Habang walang humpay na binabayo ang pintuan. Lalo tuloy akong nababanas! Rinig kong tila may sinasabi itong si Claudette. Kaya lang, wala doon ang atensyon ko kundi sa mga sinabi ko sa kanya. Parang gusto kong bawiin na ewan! Naiinis na din ako sa sarili, ayaw kasi paawat sa pagkabog nang aking dibdib.







             Namalayan ko nalang, wala na pala siya sa aking harapan. Mariin akong napapikit, tapos nanggigigil na isinabunot sa aking buhok ang mga daliri ko sa pagkabilang kamay. Arghh! Mukhang bad timing yata ako sa pag-amin o  talagang wala lang syang gusto sa akin! What the fuck!! Napo-frustrate kong turan sa sarili.. Pero imposibleng wala! Pagkatapos lahat nang mga nangyari sa aming dalawa- Wala man lang ba syang nararamdaman sa akin- kahit konte!?







             Ayaw kasing umayon ang puso ko, sa pilit na sinisiksik nang aking isipan. Pilit ko ding pinapakalma ang sarili ko bago pa siya makabalik dito sa loob nang kuwarto. Mukhang magtatagalan pa yata siya, dahil ilang minuto na ang lumilipas hindi pa ito bumabalik. Kaya lang, kahit anong gawin ko inabot na talaga ako nang inis. Doon sa kung sino mang punsyo pilatong istorbo! Nagiging maldita na naman tuloy ako nang wala sa lugar. Mas mabuti pa siguro kung- uuwi nalang ako!







             "Dom.." Rinig kong tawag ni Claudette sa malumanay na tono.  Dahilan para bigla akong natigilan at awtomatikong kina-singhap. Mabilis ko ding inayos ang aking sarili. 







              ''Hinahanap ka daw nila Laura?" Patanong niyang wika nang tuluyan na syang makabalik sa loob nang kuwarto. Nadatnan parin akong prenteng nakatayo. Hindi ako interesado! Turan ko pa sa sarili. ''Kung gusto mo sumabay kana lang sa pinsan kong si Anthony. Naghihintay sya ngayon sa labas- mauna na kayo doon, tapos susunod nalang ako.."







               "What?? No way!!" Diko napigilang magtaray sa kanya. Sya lang itong gusto kong makasama, hindi si Laura o kong sinuman! Awtomatikong nagsalubong ang aking kilay nang sandaling iyon. Tsaka, napatirik ang  mga mata ko sa harapan nito.. Oh, Please lang! Huwag na sana niyang dagdagan itong pagkasira nang mood ko. Hindi ko naman kilala yung pinsan niyang sinasabi, tsaka baka mamaya umapaw na nang todo todo itong pagkabanas ko. 







             "Ahm- okay.. S-sabi ko nga sabay nalang tayo." Pagkuwa'y wika nito. Na halos sya lang ang nakarinig sa kanyang boses.







             Nasundan ko nalang sya nang tingin nang may pagmamadaling muling lumabas nang kuwarto. Para siguro abisuhan yung  pinsan nito, nang sa ganun ay makaalis na! Ewan ko ba, pero awtomatiko nalang akong napangisi nang sandaling iyon. Buti naman! Nagdiwang bigla ang aking kalooban. Naglaho ring parang bula yung inis ko kanina. Naku Dominique! Mukhang tinamaan ka na talaga nang lintik. Kagat-labi kong turan sa sarili para pigilin ang aking pag-ngiti! Tsaka, parang tangang napapa-iling.






                 Bumalik din ito, makalipas ang ilang minuto.. "Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo.." Palipad hangin niyang turan. Hindi nalang ako kumibo at nagpasyang lumabas muna nang kuwarto. Baka mamaya, magahasa ko pa sya. Tsk! Hindi lang ako basta tinamaan kundi nagiging berde na din ang utak ko pagdating sa kanya. Tapos, mukhang basted ka pa!  Talagang nagawa pa akong asarin ni inner self..







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon