IDLLY... 40

2K 98 34
                                    

Dominique pov..

            "Oh- andito ka lang pala! Kanina pa ako hanap nang hanap saiyo!" Humahangos na litanya ni Debbie. Dahilan upang awtomatiko akong natigilan, akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang aking sasakyan. Lihim tuloy akong napabuga nang hangin, bago nagpasyang balingan ito. At kita kong seryoso siyang nakatitig sa akin.





           "Kung may binabalak kang hindi maganda, please lang huwag mo nang ituloy.. Ilang minutes nalang ang hinihintay natin at ribbon cutting na, tapos lalayas ka pa!" Sermon pa nito. Kumilos at isinandal ang likod sa hood nang kotse ko, sabay halukipkip. Mukhang ayaw talaga akong paalisin. Na kinabuga ko muli nang hangin.





            Oo nga, ilang minuto nalang at kompleto na din ang mga bisita.. Bukod sa iisang taong inaasahan ko at nangakong pupunta, pero hanggang ngayon maski anino man lang nito- wala! Samantalang maayos naman yung huli naming pag-uusap..






            "Uhm- Dom ano ka ba!" Maagap nito akong tinulak nang bahagya. At kita kong pulang pula ang magkabila niyang pisngi. Dahil sa kilig ba yan!
Matapos ko siyang siilin nang halik sa labi.. "B-baka makita pa tayo ni Monica, nakakahiya- lalo na kay Itay.." Bubulong bulong pa niyang wika. Tapos pasimpleng nagpalinga-linga sa paligid..





            Hindi ko na kasi napigilan ang sarili- miss na miss ko sya nang sobra, tapos nag-iinarte na naman! Tsaka, bago ko naman ginawa yun, nakita kong abalang nag-uusap ang pinsan nito at si Tito Mariano. Na matalik na kaibigan nang Daddy ko. Ang liit talaga nang mundo at naniniwala na akong- may isang taong itinadhana  para sa atin. At darating ito, sa mga panahong hindi natin inaasahan..






            Yung isang taong- kabaliktaran  pala sa ating inaasahan at pinapangarap.. Yung isang taong, susubukin ang ating katatagan at pang-unawa.. Yung isang taong- hindi natin inakalang bibihag nang husto sa ating puso. At hindi natin kayang- tuluyang mawala sa ating buhay.





             Ang totoo- ipinaliwanag na sa akin ni Dad ang akin ang lahat.. Yung mga pinagsasabi nito sa akin- tukoy ko kay Claudie. Tsaka, hindi naman talaga ako naniniwala- pero siyempre masakit parin dahil pinagtabuyan niya ako.. Pinayuhan pa ako ni Dad- na bawas bawasan ko ang pride ko. Ang totoo, pinatay ko na yun sa sistema ko. Alang-alang sa pagmamahal ko sa kanya..




         "Love.." Maagap at masuyo kong hinawakan ang magkabila niyang kamay. Na kina-awang naman nang kanyang mga labi at kinatitig sa aking mga mata. "Mahal na mahal kita Claudie. At ipagsisigawan ko yun sa buong mundo! Hindi ko kayang- mawala sa akin, kahit paulit ulit pa akong lumuhod sa harapan mo.." Lakas loob ko nang wika. Bago pa man ako maunahan nang karuwagan.





          "Dominique.." Bigla nalang siyang napa-iwas nang tingin.. "S-sa dami nang mga masasakit na salitang binitawan ko.. Mga sinabi ko saiyong hindi maganda- b-bakit andito ka parin!" Napapalabi niyang wika. Tila pilit pinipigil ang kanyang emosyon na lihim ko namang kinangiti nang sandaling iyon..





          "Dahil mahal kita.." Buong puso ko namang bigkas. Bago ko siya kinabig at niyakap nang sobrang higpit.. "Sayang at hindi ko man lang nasabi yun kay Inay Celia, de bale andiyan naman si Tito Mariano. Ipagpapaalam kitang--."





            "Dominique please.. Ang gulo gulo ngayon nang utak ko!" Putol at kontra naman nito kaagad sa sinasabi ko. Pero hindi parin ako susuko- minsan na ako nabigo sa pag-ibig at hindi ko pinagsisisihan iyon.. Dahil kung hindi yun nangyari, hindi ko sana matatagpuan ang tunay at wagas kong mamahalin.. Kaya kahit anong mangyari, hinding hindi ko na sya papakawalan pa.





I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon