IDLLY... 18

2.2K 131 38
                                    

Dominique pov..

               Malalim na ang gabi, pero hirap parin ako dalawin nang antok, kaya nagpasya akong bumaba muna.. Nagtungo sa may mini bar nang aming bahay at naisipang uminom kahit konting brandy lang. Baka lang iyon ang kailangan nang aking katawan.. Ilang gabi na kasi akong ganito, kahit gustuhin kong matulog nang maaga ayaw umayon ang aking katawan. At kung nakaka-tulog man- napapanaginipan ko yung gabing may nangyari sa amin ni Claudette.. Argh!






            Iba iba ang bawat senaryo, pero doon din lang mapupunta. Yung tagpong nagsesex kaming dalawa. Gosh! Napapa hilot tuloy ako nang sentido nang nakaramdam ako nang init sa aking katawan. Parang ang laki laki nang problema ko. Turan ko sa sarili ko, sabay salin nang alak sa baso halos nasa kalahati iyon.. Kahit wala itong yelo ay walang alinlangang inisang lagok ko lang.. Tssk grabe, ang pait!  Napa ngiwi ko tuloy na reklamo, nang hindi ko kasi maintindihan yung lasa. Tsaka, mainit itong humagod sa aking lalamunan.






                Hanggang wine lang kasi ako or light beer. Sabi kasi nila effective itong mga hard drinks  na pampalimot- Natigilan tuloy ako.  Seriously self!? Di makapaniwalang bulalas.. Makalimot huh! Tapos napapa-iling at muling nagsalin sa baso. Hmn. Medyo hindi na sya ganun katapang. Mukhang ito na yung sinasabi nang isang commercial sa telebisyon. Habang tumatagal e lalong sumasarap!?






                Parang si Claudette lang, habang tumatagal, mula nang natikman mo yung labi niya ay lalong sumasarap! "Fuck!!" Malutong kong bigkas, sabay salin-lagok nang tatlong beses na sunod sunod. Wala na bang nasa utak ko kundi ang babaeng iyon!? Tss! Sinisiguro kong hindi na mauulit yung nangayari sa aming dalawa. Pagkatapos nang kasal ni Laura- wala na sigurong dahilan para makaroon pa kami nang koneksyon sa isa't isa.  Talaga lang ha!? Kantyaw naman bigla ni inner self..






               Oo naman! Hindi na dapat pa- dahil unang una, binayaran ko lang sya para magpanggap na girlfriend.. Pangalawa- malabong magkakaroon kami nang mas higit pang pagkaka-unawaan. Bakit? Hindi sya papasa sa standard ko, lahat nang ayoko sa isang babae ay nasa kanya.  At pangatlo, tiyak kong hindi din sya magugustuhan nang aking mga magulang... Bigla nalang akong napa hugot nang malalim na paghinga.






               Nung isang gabi lang, habang kumakain kami nang hapunan. Pinag-uusapan nila Mom at Dad- yung isa daw na tauhan ni Daddy. Isa nang pamilyadong tao pero mahilig parin pumunta sa mga club club na yan. At,  minsan sa kalasingan natutukso nang makipag one night stand sa mga babaeng bayaran.  Kaya hayun- naka kuha nang nakaka diring sakit at ang masaklap hindi na nito alam kung saan niya nakuha.. Kung sino sa mga naka niig niya ang naka hawa sa kanya. Kaya bago pa malaman nang parents ko ang totoong pagkatao ni Cluudette- kailangan tuluyan nang maputol ang ugnayan ko sa kanya.






                   Iba naman si Claudette sa mga babaeng yun!  Biglang kontra nang sarili ko.. Napa tawa tuloy ako nang pagak sabay iling. Ganun din lang yun walang pinagkaiba- wait teka pala.. Natigilan ako nang maalalang sa isang linggo na yung kasal ni Laura. At isang linggo na din ang nakalipas, matapos ang grand reunion. Yun na din ang huling pagkikita namin ni Claudette or Claudie.. Mas gusto ko siyang tawaging Claudie- kasi ganun mo sya tinatawag habang umuungol ka!  Shut up brain!!






              Mukhang naparami na yata ako nang inum at nag-aaway na kami nang aking sarili.. Naiiling kong turan habang kinakapa yung aking phone sa bulsa nang suot kong pantulog.  Kung saan ko isinukbit kanina bago ako bumaba.. Kailangan ko pala syang mai-update, baka lang nakalimutan na nito na kailangan ko ang kanyang serbisyo.






I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon