IDLLY... 22

2.1K 135 35
                                    

Dominique pov..

               Matapos pumayag na e-hot compress ang mga paa ni Claudette, hinayaan ko muna itong makatulog. Nahiga siya sa kanilang sofa na yari sa kawayan habang nakaunan sa aking mga hita.. Ako nama'y marahang hinahaplos haplos ang kanyang buhok. Masuyong hinahawi ang mga hiblang kusang napupunta sa kanyang mukha. Pagkatapos, maingat na inilalagay ang mga iyon sa likod nang kanyang tainga. Para hindi sya maistorbo..






              Nahigit ko ang aking hininga.. Nang  biglang sumagi sa aking isipan. Noong huli naming pag-uusap, pagkatapos nang aming pagtatalo. May isang linggo nang nakalipas. Sinadya ko talagang hindi magparamdam sa kanya, tiniis kong hindi sya tawagan o e-text man lang. Kahit, ang totoo'y miss na miss ko sya- sobra.






           Ewan ko ba! Dahil kahit ako- sa sarili ko mismo, hindi ko na din maintindihan, labis na akong naguguluhan.. Buong buhay ko, ngayon ko lang kasi naranasan yung ganitong pakiramdam.






              Yung pakiramdam na- sobrang na-attached na ako sa kanya, yung tipong- gusto ko syang protektahan. Na- seryoso ako noong sinabi kong gusto ko na siyang pahintuin sa kanyang trabaho. Susuportahan ko sya hanggang matapos nito ang huling taon nang kanyang pag-aaral.






              Like- what the heck!! Ako ba talaga to'!? Hindi ko kayang mag-isip na- gabi gabi, iba't ibang lalaki ang kinakasalamuha niya. Kinaka-table, inaasikaso para kumita lang nang pera dahil iyon nga ang nakasanayan niyang trabaho.







             Tapos, lalo pa akong nabu-bwisit dahil hinahayaan lang siya nang kanyang nobyo na gawin ang mga ganung bagay!? Na parang ayos lang na ganung uri ang trabahong meron sya!? Lahat na yata naisip ko na, na- oo nakilala ko na syang ganun! Tsaka, tapos na yung pagtatrabaho niya sa akin- tinapos na nito nung tinanggihan ako sa huling offer ko. Dapat nga, hinayaan ko na sya at kakalimutan ko na rin na kami ay nagkakilala. Pero--






             Kumilos ang aking mga mata at marahan ko siyang pinasadahan nang tingin. Kahit paulit -ulit kong sabihin sa sariling dapat ko syang pandirihan! Tila ayaw umayon ang aking puso- ang aking nararamdaman. Lalo lang akong-- Gosh.. I think, I'm falling for her! Pag-amin ko sa sarili, tsaka mariin kong ipinikit ang aking mga mata.






               Kusa namang lumilitaw ang imahe nito sa aking isipin. Ang kanyang matamis na mga ngiti, ang mapang-akit nitong mga mata.. Pagkatapos, naririnig ang malulutong nitong tawa. Na syang awtomatikong napapa-bilis nang pintig nang aking puso.






           Sa dinami-rami nang tao sa mundo, mga naggagandahang kababaihang nakikita ko. Mga nakakasalamuha ko sa araw-araw sa clinic- yung iba halatang nagbibigay pa nang motibo. May mataas ding estado ang buhay katulad ko-bakit sya pa! Bakit sa kanya ko pa naramdaman 'tong ganito!






               Samantalang, kung tutuusin, wala naman akong dapat magustuhan sa kanya. Dahil lahat nang katangian na aking hinahanap ay wala- ni katiting wala akong makita sa kanya! Pero kalaunan, nagtataka nalang ako sa sarili- kong bakit hinahanap-hanap ko na ang kanyang presensya. Kung bakit- nagagawa niya akong pasayahin- patawanin na kahit sa simpleng mga bagay lang!?






              Tapos ngayon- nagpunta ako dito sa lugar na to' na pagkalayo-layo at liblib na probinsya. Hindi para umattend sa naturang kasalan ang aking sadya.. Kundi- para makita ko sya, makasama at makilala ang kanyang pamilya. Dahil sa totoo lang, hindi talaga ako agad-agad naniwalang magpinsan sila ni Monica Arevalo.







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon