IDLLY... 19

2.3K 134 58
                                    

Claudette pov..

               "Ano- teka lang, ulitin mo nga ang sinabi mo!?" Tila naguguluhang tanong nito. Habang diretso lang ang 
tingin sa kanyang harapan at mahigpit na nakakapit sa manibela ang dalawang kamay. Bingi ba sya!? Lihim naman akong napa-irap. Kakasabi ko nga lang diba- tsaka sobrang linaw na nun.. Ayoko nang uulit-ulitin pa, buti nga at may lakas-loob pa ako para sabihin yun sa kanya. Pa-paano kung bigla nalang akong hindi magparamdam -  Weh! Ang tanong kaya mo ba!? Sabat tuloy ni inner self.







             Rinig ko itong napatawa nang pagak. Dahilan upang mapakunot-noo akong napatitig sa kanya.. "Nagbibiro ka lang diba!" Sabi pa nito sabay mabilis na nagbaling sa akin..







                Tang-ina.. Sa laki ba naman nang offer niya, magagawa ko pa bang magbiro!? Kung tutuusin, nasaktan nga ako e- hindi pala kundi nakaka-insulto! Isang milyon? Ano yun- para bang pinapamukha sa akin na kayang kaya niya akong bilhin. Sa anong dahilan? Para lang magpasikat o magpakitang gilas kay Laura!? Para sabihin na- Uy ex, congrats nga pala dahil ikakasal ka na- masaya ako para saiyo. Ako! Heto may girlfriend na at naka move-on na.







              Pero ang totoo hindi pa pala pagkatapos ako- makikita ako nang pamilya ko, nang angkan ko sa naturang okasyon.  At papaniwalain ko din ang lahat na may relasyon nga kaming dalawa. Tapos, kakalat na sa buong baryo hanggang sa makarating pati sa aking nobyo at sa pamilya nito.







                  Pero kung tutuusin Claudette, pera na yan e.  Malaking halaga na yan- total ganun naman ang tingin niya saiyo, di panindigan mo na diba! Kaya wala kang dapat ipaghimutok riyan.. Ano naman kung makita nila kayo sa araw nang kasal na magkasama! At least naman bayad ka- kumita ka nang malaki. Tiba tiba kana nun, pu-pwede mo nang bayaran yung hulugang motorsiklo nang nanay mo.  Yung tuition fee mo.  At- yung pangarap mo na makapagpatayo nang kongkretong bahay, kahit hindi pa naman ganun kalakihan--  Bigla tuloy akong napa hilot nang sentido.  Tigil tigilan mo ako, huwag mo ngang deni-demonyong utak ka!!








                Oo nga, andoon na ako- pera ang kailangan ko pero hindi naman ako ganun kagahaman- Ang sabihin mo, marami talagang nagbago saiyo, dyan sa loob mo. Kailan ba yun nagsimula!? Nagmula nang may nangyari sa inyong dalawa isang linggo na ang nakakalipas- kaya huwag ako Claudette! Sermon  pa nito. Tumigil ka na! Para na tuloy akong sira-ulong nakikipag talo sa sarili ko..








               "Bakit di ka makasagot!?" Untag muli ni Dominique habang nasa loob kami nang kotse nito. Pwede naman kasing bukas nala ito pag-usapan, hindi yung ura-urada syang pumunta dito. Pagkatapos- pagbantaan pa akong mag-iiskandalo! Pinapangalandakan lang niyang desperada parin sya kay Laura. Hindi ko  naman maintindihan itong sarili ko, bakit ganun nalang mag-init ang ulo ko--.








                "Fuck!!" Malutong nitong mura sabay hampas muli sa manibela. Napapitlag nalang ako sa pagkabigla. Nang dahil sa kanya  nagiging magugulatin na rin ako. Bakit ba sya galit na galit nagsasabi lang naman ako nang totoo- "Kulang pa ba saiyo yung inaalok kong halaga para pag-inartehan mo ako naka ganyan!!" Tumaas ang timbre nang boses nitong turan.








                 A-ano- biglang parang umaakyat ang lahat nang dugo ko sa ulo pagkarinig sa sinabi nito. Tila nagdilim ang aking paningin nang walang alinlangang- dumapo nang buong  pwersa ang palad ko sa mukha nito. Mariin akong napapikit pagkatapos, habang taas baba ang didib ko sa galit. Ano lang naman ako kumpara sa estado nang pamumuhay nito,  pero wala parin siyang karapatang ipamukha sa akin ang bagay na yun!







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon