IDLLY... 34

1.9K 121 88
                                    

Claudette pov..

              "G-Goodmorning po.." Nahihiya kong bati sa Mommy ni Dominique. Nadatnan ko sila sa may kusinang abala sa paghahanda nang agahan. Kasama ang isa sa kanilang kasambahay na sa tantya ko ay mas may-edad pa ako. Si Lucy ang siyang nagbukas sa akin nang pinto kagabi.  Sinandya kong gumising nang maaga, naligo pagkatapos- nagbihis dahil may pasok ako ngayon.






           Isa pa- medyo masama ang loob ko kay Dominique. Dahil nakatulog na ako kakahintay sa kanya kagabi, pero ni anino nito hindi ko man lang nasilayan. Bago bumaba ay nadaanan at napahinto pa ako sa tapat nang kanyang kwarto. Kakatukin ko sana- kaya lang, baka mamaya tulog pa sya. Kaya hindi ko nalang sya inistorbo..






            "Magandang umaga din saiyo hija.." Malambing naman nitong bati sa akin. Pagkatapos, agad na inutusan itong si Lucy para ipagtimpla ako nang kape. Pero maagap akong tumanggi at nag presentang ako na lang ang siyang gagawa nun. Hindi naman kasi ako sanay na may inuutusan, tsaka isa pa hanggang ngayon nahihiya pa din ako. Kahit pa, palaging sinasabi nang mga magulang ni Dominique na parte na ako nang kanilang pamilya..






           Sa totoo lang, napaka swerte ko sa pamilyang ito.. Lihim akong napapangiti. Ramdam na ramdam ko kung gaano nila ako kagusto para sa kanilang anak. Kaya, minsan gusto na din ipagtapat sa kanila kong sino talaga ako bago nakilala nang anak nila.. Na- binayaran lang ako ni Dominique para magpanggap na girlfriend--.






             "Ang aga mo namang nakabihis hija.. Mukhang may lakad ka yata!" Turan nang Mommy ni Dominique, nang muling nagsalita. Habang ako naman ay abalang iniinum ang ginawa kong kape. Tinakpan ko nalang nang concealer yung kaunting pasa sa pisngi ko. At yung sa gilid nang aking labi- pero alam yun ni Lucy dahil nakita niya yun pagdating ko.






           Sinabi ko nalang na nadulas ako sa school at huwag na sanang mai-kukwento sa mag-asawa. Tukoy ko sa parents ni Dominique at nagpapasalamat ako dahil sumunod naman sya.. "Uhm- maaga po ang klase ko.." Tipid ko namang tugon.






           "Pero mas maagang umalis si Dominique.." Wika nito. Na awtomatiko kong kina hinto, akmang iinum sana ako nang kape. S-si Dominique umalis ulit? ''May appointment daw nang maaga at hindi ka na daw inabalang gisingin. Dahil alam niyang tulog ka pa.." Turan pa nito. Na lihim kong kinasinghap.






          Umalis na naman- hanggang ngayon ba naman hindi pa natatapos ang transaction nila nang Debbie na yun!! Bigla tuloy akong nawalan nang ganang mag-agahan. Samantalang kumakalam ang sikmura ko kanina pa! Ni hindi ko na tinapos ang pagkakape nang magpaalam sa Mommy ni Dominique. Papasok na ako sa eskwela at balak kong dumaan sa clinic..






           Mula sa bahay nang mga Guevarra ay nilakad ko lang hanggang sa way papuntang University. Sanay naman ako sa lakaran e, sa probinsya nga namin nilalakad lang ang kilo-kilometrong layo nang school. Lalo na sa mismong bayan namin.







          Kaya lang, pagdaan ko sa clinic ni Dominique sarado pa iyon. Dahilan upang lalo lang sumama ang loob ko. Saan naman kaya yung appointment niyang yun! Matamlay tuloy akong pumasok at sa buong maghapon ay lutang ako.. At tsaka, naalangang umuwi nang bahay pagkatapos nang klase. Naka mamaya hindi ko parin madadatnan si Dominique doon.






           Bakit di mo tawagan!? Bigla namang turan ni inner self. Na kina hinto ko sa paglalakad, papalabas na sana ako nang University.. Akmang kukunin ko na sana yung phone sa loob nang bag ko. Nang bigla na naman nagbago ang isip ko. Ano kaya kung puntahan ko nalang sa club- sinipat ko ang suot kong wristwatch.  Alas tress nang hapon.







I don't like.. LIKE YOU!! (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon