I'm only Human

2.3K 60 104
                                    

"Babe.." i was too eager to answer the call. "babe?"  i repeated

"Babe, sorry di si babe to eh..

.... kuya ni babe Janus ,pare." 

I was a bit suprised but felt  more dissappointed.

"Pasensya ka na pare medyo dis-oras na nang gabi . Nagbaka sakali kasi ako makausap ka, nakakaistorbo ba?" 

"No ayos lang , pare may problema ba? kay Sarah? " i quickly responded

"Ano kasi ngayon ko lang nalingat si Sarah para makuha ang number mo, eh naisip ko kung number ko tumawag sa iyo baka di mo sagutin kaya pasensya uli..

... hindi na ako mag-papaligoy ligoy pa.. Gerald  di ba ?" 

"Sige lang pare ano yun.." i said

"Ah gusto kasi nang magulang namin na makilala ka para magpasalamat .. pede ka ba bukas nang tanghalian? Alam ko pare short notice kaya lang makulit na ang Mommy.. she really wanted to thank you for taking care of our princess"

"Pare , alam ba ni Sarah to? " i asked 

"Yung totoo Bro hindi eh, wag ka mag-alala kung ano man ang sa inyo ni Sarah labas naman itong pag-punta mo.. 

kung gusto mo isipin mo na lang na ako at ang parents namin ang nag-iimbita , yun eh kung okey lang sa yo"  sagot nya

"Walang problema pare, sige punta na lang ako bukas dyan sa inyo, salamat sa pag-imbita"

"Sige hintayin kita namin... oo nga pala Gerald.." his tone sounded a lot more serious

.. yung kapatid ko ba mahal mo ba talaga?"

I was caught off guard by his question , but i knew it was a man to man question

"Mahal ko ang kapatid mo pare.. Mahal ko si Sarah" I directly answered

There was dead air after my response. After a few seconds he responded " o sige pare bukas na lang.."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Makikilala ko ang buong pamilya at makakaharap muli si ang mga Kuya nya. Aside from that i don't know she's gonna react when she sees me. I don't think i can bear to see the scared look in her eyes.

But i'm excited to see her. makita ko lang sya kahit saglit. My desire to see even her silhoutte is greater than my pain and my fear.

I looked out and gazed up to the sky. 

.....Pabigyan mo naman ako bukas... kahit isang ngiti lang nya.. 

 ------------------------------------------------------------------------------

"Manang dami naman po yata nyan? May bisita po ba?"

"Nako anak eh ang sinabi lang nang Mommy mo eh maghanda nang madaming pagkain.., kaya eto maaga kaming namalengke nang drayber" sagot sa akin ni Manang habang mukhang abalang abala sa kanya mga niluluto

"Gusto po  nyo nang tulong?"

Mukhang nagulat si Manang sa alok ko. Tumaas ang kilay nito nang parang natatawa at nang-hahamon..

"Ikaw? Wag na iha at baka kami ma-atrasado.. tanghalian ang bilin nang Mommy mo" aniya 

"naku Manang ha.. May alam na po ako sa pagluluto! nung nandun ako kay Ge , naga-aral akong magluto..tapos kahit mas marami akong palpak na dish . nakakatuwa nga kasi ."

napahinto ako sa pag-sasalita .. 

"kasi ano?" tanong ni Manang

"ah eh wala ho.. " 

Para Lang Sa YoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon