Ang pag-ibig...parang baraha...
Pwedeng espada na tutusok sa iyo para ikaw ay masaktan at matuto o ipansangga sa mga nang-aagaw ng minamahal.
Pwedeng diyamanteng mapangahas at makapangyarihan. Iyong kayang lampasan ang matinding hamon ng buhay sa pagbuwag ng mga damdaming bato.
Pwedeng bulaklak na siyang namumukadkad sa tuwing may bagong umaga, bagong pag-asa o bagong nilalang na magpapaligaya sa kanya at magpaparamdam na ang buhay ay masaya.
Pwede rin naman itong maging puso... Ang puso na nakadarama ng lungkot at ligaya....
Ang puso na nakagagawa ng posible mula sa mga hindi na. Ang pusong kayang umibig at tumitibok kapag ikaw ay in-luv na.
Tulad ni Janice Behosano.
Ulila man sa ama't ina ay nagsikap sa pag-aaral upang maitaguyod ang pamilya at makapaghanapbuhay ayon sa nais niyang karera. Sa paglipas ng maraming panahon, bubuksan niya ang kanyang puso upang umibig muli at bigyan ng direksiyon ang buhay na siyang sinubok ng maraming trahedya.
Kasama na riyan ang limpak limpak na katatawanan na magiging bahagi ng kanyang buhay bilang isang broadcast journalist....
Ngunit hindi lahat ng bagay ay nakukuha ng madali. At hindi lahat ng madali ay kayang kunin...
Ano daw?!?
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis