Sa lahat ng katangahang ginawa ni Aynnah noong highschool siya ay isa lang ang pinagsisihan niya. Iyon ay nang hinayaang niyang dalhin siya ng tadhana. Iyon ay nang maniwala siya sa salitang destiny. Dahil kasi doon, nagkahiwalay sila ng taong mahal niya... at pakamamahalin niya kahit na anong mangyari. Kahit pa nga Me and You against the world ang maging drama. O Me against the world lang. Kaya ngayon pinag-iisipan niya ang isang madilim na plano na babago sa kanyang buhay at sa buhay ng mga taong nasa paligid niya. Masunod lamang ang matagal nang ninanais ng kanyang puso. Kakalabanin niya ang salitang destiny para sa kanyang kaligayahan. Wala siyang plano na manakit ng tao. Nagmahal lang siya, at gusto lang niyang maranasan ang salitang kaligayahan na tanging isang tao lamang ang makapagbibigay sa kanya.
May mga parte ang kwentong ito na hango sa totoong buhay...
hindi ko ito ginawa upang makapanakit ng damdamin ng mga taong involve rito, ang tanging gusto ko lang naman ay maipahayag kung gaano ko kagusto ang taong iyon, tanggap ko na, na maaaring hindi kami ang para sa isa't- isa pero sino nga ba tayo para malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Sana ay magustuhan niyo ang kwentong ito...