Chapter 2

97 15 2
                                    

Sam's P. O. V


Sunday ngayon at walang magawa nasa kwarto lang ako nakahiga sa kama ko habang nikikipag titigan sa kisame ng biglang nagring ang phone ko.


"Yes? Hello? " sabi ko.


"Tara Abbas" sabi ni Kyla sa kabilang linya.


"K" then I hung up the phone, naligo na ako at umalis na.


"Yow" bungad ni Chris sa akin at inakbayan ako.


"Grabe sobrang traffic sa inyo ha? " pang aasar sa akin ni Rhed.


"Oo sobra kasi may humarang na biik sa daan" I sarcastically said at diniin ko talaga yung word na biik.


"Tumigil na nga kayo kumain nalang muna tayo, let's enjoy the day guys" awat ni Kyla. Buti nalang andito itong babaeng ito kung wala siya may world war 3 na sa pagitan namin ni Rhed.


Pagkatapos naming kumain napag desisyunan nalang namin na mag sine muna at mag libot-libot dito sa SM.


And what a small world nga naman nakita ko pa si Justine, and of course with his best friend Rica my enemy.


Grrr nakakagigil itong babaeng ito kala mo naman maganda mas maganda naman ako sa kanya. Aba! niyakap niya pa si Justine ko!
Haliparot talaga. Tumitingin pa sa akin habang nakayakap. Maduling ka sana.


"Dont mind them" sabi ni Kyla then she escorted me to leave were Im standing at.


"Bakit ang hilig mo sa horror Sam? " tanong ni Rhed na katabi ko.


"Bat ang daldal mo Rhed" tss..sabi ko then I rolled my eyes.


Kaya ko lang naman siya katabi dahil ayaw tumabi sakanya ni Kyla dahil napaka daldal niya.


Kaya ang ayos namin si Rhed,tapos ako, si Chris, and Kyla, napag desisyunan kasi naming mag sine muna bago maglibot. At sakto namang gusto kong manuod ng horror and no choice din sila dahil puro romance ang karamihan eh ayaw naman nilang dalawang lalaki.


"Sungit nagtatanong lang" sabi nito at padabog pang kumuha ng popcorn ko. Aba! Ayos din to.


"Mag dadabog kanaman,eh sinasagot lang kita! " sabi ko.


"Shhhh ang ingay niyong mag jowa!" sabat ni Chris.


"Jowa? No Way! " sigaw at sabay naming sabi,kaya ang labas lahat ng tao ay napatingin sa amin.


"Shhhhhh!! " galit na sita ng mga nanonood sa aming dalawa, napa dekwatro nalang ako dahil sa asar ko sakanya.


Nang nasa medyo climax na yung pinapanood namin, biglang napatili si Rhed ng malakas at napakapit sa akin,napatingin kaming lahat sa kanya dahil imbis na magulat kami sa multo sa kanya kami nagulat.


"Ano ba Rhed wala pa nga ihh, saka tanggalin mo nga yung kamay mo sa braso ko" sabi ko habang tinatanggal yung pagkakapit ng kamay niya sa akin.


"Ay wala pa ba?Akala ko kasi meron na hahaha" sabi niya, pambihira ang taong to, baliw na ata.


Nang matapos ang pinapanood namin na wala akong naintindihan kundi ang tili ng katabi ko, dumiretso na kami sa may Icecream store.


"Anong gusto mo Rhed para maka order na kami?" tanong ko dahil tamad ang dalawang lalaking to.


"Ikaw" sabi niya na ikinagulat ko.


"Yehez naman Rhed, pumupuntos kana kay Sasa ah! " pang aasar ni Chris sabay siko sakanya.


"Uyy Sam nag blublush ka" tukso ni Kyla.


"Namumula kanaman dyan eh hindi pa ako tapos mag salita ang gusto kong sabihin ay ikaw na ang bahala hahaha! Sabi kona nga ba type mo ako eh!" sabi niya.

Ok pahiya ako doon ughhh bwisit!


Padabog akong umalis sa table namin at pumunta na sa may counter. Nang makuha ko na ang order namin nag patulong ako kay Kyla na buhatin ang mga yun.

Nasa gitna ako ng paglasap sa icecream ko ng biglang nakaramdam ako nang call of nature, nag paalam muna ako sakanila bago pumunta ng cr.


Nang hinuhugasan ko yung kamay ko bigla namang pumasok si Rica at nag retouch. Habang nilalagyan niya ng lipstick ang kanyang labi hindi ko maiwasang mapatingin sakanya.


Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon