Park Jimin
"Hi Jungkook kamusta kana? Masaya ka ba dyan?"
"Sana masaya ka dyan. Alam mo miss ka na namin ng mga hyung"
"Ikaw kasi ehh ang daya daya mo. Di mo manlang ako sinama dyan"
"Akala ko ba walang iwanan... Di mo ko iiwan?"
"Miss ko na yung tawa mo, yung amoy mo, yung I love you mo, namiss ko na kung pano mo ko tawaging Dangshin, miss ko na yung halik at yakap mo sakin"
"Wala ng makulit, wala ng humahalik sa akin tuwing umaga"
Ilang buwan na nga ba? Pitong buwan ka ng wala sa tabi ko
Ilang buwan, gabi, araw na hindi kita kasama. Mahirap sobrang hirap
Kaya sana bumalik kana... Sana gumaling ka na. Sana gumising kana dyan
Ilang buwan ng nakahiga si Jungkook dito sa kama na ito. Ilang buwan narin syang nandito sa kwarto na ito.
Lagi akong nandito sa hospital para dalawin sya. Kamustahin alagaan. Kahit sa gantong paraan lang makabawi ako sa kanya.
"Dangshin. Gising ka na oh" hinawakan ko ang kamay ni Jungkook at hinalikan ito"Miss na kita...Sobra"
Ilang buwan narin ba akong iyak nang iyak. Sa tuwing nakikita ko si Jungkook na nakahiga dito napupunit ang puso.
Kung pwede lang palitan si Jungkook ako mismo ang gagawa ng paraan para di na sya maghirap pa.
Kahit na posibleng di na sya magising di parin kami sumusuko.Naniniwala akong magigising pa sya.
Magpapakasal pa kami.Marami pa kaming gustong gawin. Ipapakilala ko pa sya sa buong mundo.
Hinawakan ko ang mukha ni Jungkook at tiningnan ang mukha nyang napakaamo.
Naaalala ko kung pano nya ako pasayahin kapag nalulungkot ako... Sana nandito sya kailangan ko sya
"Jimin? Tara na baka mahuli tayo sa flight natin" halata ang pait sa boses ni RM hyung.
Papunta kami ngayon sa Japan dahil concert namin. Kahit na ayoko talaga dahil masgusto kong alagaan si Jungkook, gusto ko paggising nya ako kaagad ang makikita nya.
Gusto ko pagmulat ng mata nya ako agad ang yayakap sa kanya... Pero hindi pwede dahil sa fans namin dahil sa ARMY. Alam kong magtatampo sya sa akin pag nalaman nyang di ako pumunta sa concert namin. Ayaw nyang nalulungkot ang ARMY.
"Dangshin"Sabay hawak sa mukha nya."Magcoconcert lang kami huh. Babalik ako. At sana sa pagbalik ko gising ka na okay?" hinalikan ko ang kanyang noo. Pinunasan ang mga luha. "I love you Dangshin"
Humarap ako kay RM hyung at ngumiti ng mapakla.
"Magigising din sya Jimin wag kang magalala" lumapit sa akin si RM hyung at niyakap ako
"Oo hyung. Magigising sya"
Sana
Nagpaalam muna ako sa mommy ni Jungkook bago lumabas ng hospital.
Naawa ako kay tita hindi dapat sya nagsusuffer.dapat ako.Kulang pa ang mga luha ko kesa sa hirap na dinaranas nya ngayon.
Tahimik ang buong biyahe. Walang nagsasalita kahit isa.
BINABASA MO ANG
Our dangerous love (Jikook/KookMin)
FanfictionHanggang kailan kaya nila matatago sa ibang tao ang kanilang pag mamahalan?hanggang saan nila kayang panindigan ang pagtatago sa kanilang relation kung lahat ng atensyon ay nasa kanila?Hanggang kailan nila kakayanin ang lahat ng pagsubok na dumating...