Park Jimin
Its Been a week na simula ng iwasan ko si jungkook sa tuwing lalapit sya lalayo ako tuwing kakausapin nya ko cold naman ako. Ewan ko kaylangan ko lang ng space kasi hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.
Nag papractice kami ngayon para sa next MV namin.Naiilang nga ako dahil laging nakatingin sa akin si Jungkook. Siguro nagtataka yun kung bakit di ko sya pinapansin. Ayoko muna syang isipin ngayon.
"Hey Jimin" Inangat ko naman ang ulo ko para tingnan kung sino ang tumawag sakin si Suga hyung lang pala.
"Bakit?" Kumunot naman ang noo ko dahil nakatingin lang ito sa akin.
"Oh!" sabay abot ng tubig. Nagtaka tuloy ako kung anong kayang meron kay Suga hyung.
"Salamat" kinuha ko lang ang inabot nyang tubig at kinuha ang cellphone dahil may nagtext.
From:Jungkook
Hyung inumin mo yung tubig na ipinaabot ko kay suga hyung. Kasi alam kong dimo tatanggapin yan pag ako ang nag bigay.
Napatingin naman ako kay Jungkook pagkabasa ko sa message nya at nakatingin din sya sakin kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko. Kinuha ko naman ang pinaabot nyang tubig at ininom iyon.
Ngayon na liwanagan na ko bakit kay langan kong iwasan ang taong nagaalala lang sakin. Naguguilty tuloy ako sa ginagawa ko sa kanya.Kay langan kong makabawi sa kanya sa mga ginawa ko ng mga nakaraang araw.
To:Jungkook
Labas tayo mamaya. Kung gusto mo lang naman dont worry treat ko.
Tiningnan ko naman sya para makita ang magiging reaksyon nya. At masaya ako dahil nakangiti sya. Napakatanga ko dahil iniiwasan ko ang isa sa mga taong nagpapasaya sakin.
From:Jungkook
Oo naman hyung =)
"Hey! Guys tara na practice naulit" na patingin naman ako kay RM hyung ng tawagin nya na kami kaya di na lang ako nagreply kay Jungkook okay na sakin yung umoo sya.
Natapos naman ng mabilis ang practice namin kaso pagod na pagod kaming lahat. At kitang-kita ko rin kay Jungkook napagod sya paano todo ang hataw practice palang naman.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang plano namin ni Jungkook. Pero nayaya ko na sya at umoo narin sya.Bahala na nga.
Lumapit ako kay Jungkook kahit na nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib "Heart kumalma ka" sabi ko sa utak ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita . Nahihiya tuloy ako dahil nakatingin lang sya sakin at halatang hinihintay ang sasabihin ko.
"A-ahmm. Jungkook yung ano ahmm yung-" Biglang naman nyang pinutol ang sasabihin ko at tumayo.
"Let's go hyung" kitang-kita ko sa kanyang mata ang saya. Bigla tuloy bumilis ang pintig ng puso ko dahil don."Mga hyung! Lalabas lang kami ni Jimin hyung mauna na kayo sa bahay" nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Jungkook at ngayon hatak-hatak nya na ko at palabas na ng studio room.
"Te-Teka nga jungkook" tumigil naman sya sa paghatak sakin. At parang nalungkot sya sa sinabi ko.
"Bakit hyung?"
"Ako ang ng yaya sayo diba tapos ikaw pa ngayon ang ng hahatak" Hinawakan ko naman ang kamay nya, di ko na tiningnan kung anong magiging reaksyon nya sa ginawa ko. Pakiramdam ko para akong bomba na bigla na lang sasabog ngayon.
Pumunta lang kami sa restaurant na hindi gaanong matao mahirap na at baka may makakita sa aming ARMY.We order the same food dahil madalas parehas kami ng mga gusto lalo na sa pagkain nagka-kasundo kami.
"Hyung?" na patingin naman ako kay Jungkook ng bigla nya akong tinawag.
"Bakit?"
"Bakit di mo ko pinapansin nitong mga nakaraang mga araw? May nagawa ba kong mali o may nasabi na di maganda?" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong nya.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano sasabihin ko kasi yung puso ko sa tuwing kaharap kita parang sasabog ganon? Edi inisip nya na baliw ako. Wala talaga akong maisip na sagot at nakatingin parin sya sakin hanggang ngayon.
"A-ahh wala meron lang problema. And dont worry okay naman na ngayon" sana maniwala sya sa sinabi ko.
"Ganon ba.Kala ko galit ka talaga sa akin" Napahawak naman sya sa tuktok ng kanyang tainga. Ang cute nya para syang bata.Hindi ko tuloy maiwasang di mapangiti.
"Hindi ako galit sayo. At bat naman ako magagalit sayo diba?" ngumiti lang ako sa kanya para mawala rin ang pagaalala nya.
"Oo nga naman hyung"Sinuklian naman nya ko ng maganda nyang ngiti. Yung parang once na ngumiti sya wala ka ng makikitang iba sa paligid."Hyung?"bumalik naman ako sa sarili ko ng tawagin nya ulit ako. Nakakahiya kanina papala ako nakatingin sa kanya. Feeling ko sobrang pula ko na. Mabuti na lang lang at dumating nayung pagkain at nafocus ang atensyon namin doon.
Pagkatapos naming kumain nag decide kaming pumunta sa park. Wala na kasing gaanong tao don pag mga gantong oras dahil gabi na nga. Titingnan lang naman namin ang mga stars and moon lagi kasi naming ginagawa yun pag may free time kami.
Nandito na kami ngayon sa park at humahanap ng magandang pwesto para matingnan namin ng maayos ang mga bituin at buwan.Nakahanap naman kami kaagad at naupo na.
"Hyung.Namiss ko tong ganto ngayon na lang ulit natin to nagawa dahil masyadong puno ang schedules natin"Tumingin naman ako sa kanya pero nakatingin sya sa mga bituin mula sa kalangitan.
"Oo nga ehh." hindi ko talaga maiwasan nadima-mangha sa mga bituin ang gaganda nila.
Nabalutan ng katahimikan ang buong lugar.Tanging huni lang ng ibon at mga kuliglig na ng gagaling sa mga puno ang maririnig mo. I need to speak now bago pa maging awkward ang mga pangyayari.
"Jungkook?" napatingin naman sya kaagad sa akin ng bigla ko syang tawagin.
"Yes?"
"Naalala mo sinabi ko sayo dati nung nag stargazing tayo. Sabi ko sayo that I will bring you to the moon kahit na malabo mangyari yun" tumawa lang ako ng mahina at binalik ang paningin sa buwan at ganon din naman sya.
"Oo naaalala ko yun. Kahit na alam kong di mangyayari yon I'm happy kasi may nagsabi sa akin ng ganyan"
"Me too. I'm happy because your the only person nasinabihan ko ng ganyan" di ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang yan bigla na lang syang lumabas sa bibig ko.
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at tumingin sa aking mga mata. Feeling ko kahit ano mang oras matutunaw ako sa titig nya.Unti-Unting lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko, hindi ko alam ang gagawin ko sinasabi ng utak ko na umiwas ako pero ang puso ko sinasabi na gusto ko to. Naramdaman ko na lang namay dumampi sa aking mga labi. He kissed me?
"Yes!! He kissed me!!"
BINABASA MO ANG
Our dangerous love (Jikook/KookMin)
FanfictionHanggang kailan kaya nila matatago sa ibang tao ang kanilang pag mamahalan?hanggang saan nila kayang panindigan ang pagtatago sa kanilang relation kung lahat ng atensyon ay nasa kanila?Hanggang kailan nila kakayanin ang lahat ng pagsubok na dumating...