Unknown
"Oh.siguraduhin mo lang na walang makakaalam ng gagawin mo" sabay abot ko ng envelope na may lamang pera.
"Oo naman boss wag kang mag aalala. Ang dali lang naman ng pinapagawa mo. Kuhanan sila ng picture na mag pa patunay na meron silang relasyong dalawa"
"Mabuti kung ganon nagka-kaintindihan tayo. Binigay ko na ang lukasyon kung nasan silang dalawa sige na at baka may makakita pa sa atin dito"
Tingnan na lang natin kung anong mangyayari sa inyong dalawa kapag merong makaalam na may relasyong dalawa."Jungkook mag handa ka na malapit ko ng maagaw ang taong dapat matagal ng akin"
Ako naman ang magiging masaya at ikaw naman ang magmumukhang tanga. Makikita mo ang taong mahal mo na hawak na ng iba.
"Malapit ka ng maging akin Jimin"
*****
Park Jimin
"Jungkook! Jimin!" nagising ako dahil sa malakas na pagkatok sa aking kwarto.
Binuksan ko ang pintuan at si RM hyung ang bumungad sakin.
"Hyung?bakit?"kinakabahan ako sa sasabihin nila. Bakit ganito ang nararamdaman ko anong bang meron.
" Tingnan nyo ito" kinuha ko ang cellphone na inabot nya sakin.At tiningnan kung ano.
"Ka-kami to ahh?" bakit may picture kami ni Jungkook na mag kayakap. Kahapon ito nung nasa Park kaming dalawa.
"Trending nayan sa buong social media at kayong dalawa ang pinag uusapan" Suga hyung.
Pano? Sino? Bakit may lumabas na ganyang litrato.tumingin ako kay Jungkook at wala syang reaksyon nakatingin lang sya sa cellphone na hawak ko.
"So anong gagawin natin siguradong alam na ito ni bang. Anong gagawin natin?" pag aalala ni J-Hope hyung.
"problema namin ni Jungkook ito. Pupunta kami sa Company ako ang makikipag usap kay bang" tumingin naman silang lahat sa sinabi ko.
"No. Problema nating lahat ito. Hindi ko hahayaan na pasanin nyo lahat ito" seryosong saad ni RM hyung.
*****
"Bakit hindi nyo pina alam sakin?! Hindi ba kayo ng hihinayang sa pinagpagudan nyo?!!" Nandito na kami ngayon sa Bighit Company. At pinapagalitan ni Bang.
"It's my fault" na patingin naman ako kay RM hyung sa sinabi nya.
Bakit ba lagi na lang silang ganto. Sa tuwing may problema ko lagi silang nandito.Pakiramdam ko pabigat ako. Walang kwenta.
"No. Wala silang kasalanan. Wag kayong maniwala ako ang nagpumilit na ligawan si Jimin. Dahil mahal ko sya"
"Mahal?! Jungkook masisira kayo dahil dyan. Alam nyo bang bawal yang pagmamahal na yan? At alam nyo yan!" Napahawak sa sintido si bang sa sobrang pag kainis. "Mag papadala ako ng media para interviewin kayo at sabihin nyo na hindi totoo iyon it's an edit. Ipapaimbistiga ko rin kung sino ang nag labas nung pictures nayun"
"No need aaminin ko na may relasyon kami ni Jimin.Wala akong pake kung masira ako"
"Ano?!" Hindi nya pinansin si bang tumalikod lang sya at lumabas."Hindi ko alam ang gagawin ko sa inyo!"
"Ako? Alam ko na ang gagawin ko"
"Anong oras ang interview bang?" sana tama ang desisyon ko. Para sa lahat itong gagawin ko at para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Our dangerous love (Jikook/KookMin)
Hayran KurguHanggang kailan kaya nila matatago sa ibang tao ang kanilang pag mamahalan?hanggang saan nila kayang panindigan ang pagtatago sa kanilang relation kung lahat ng atensyon ay nasa kanila?Hanggang kailan nila kakayanin ang lahat ng pagsubok na dumating...