Park Jimin
"Okay!! Pwesto na ayos na!" sigaw ng director namin.
"Guys kalimutan muna ang mga problema ngayon okay? Kung nandito si Jungkook ayaw nya ng malulungkot ang ARMY okay ba?" sigaw ni RM hyung.
"Yes."sabay-sabay naming sagot
Magsisimula na ang concert namin... Ng wala si Jungkook ng kulang kami.
Para sa kanya ang gabing ito.
"okay. Let's go" sabay lagay ng kamay ni RM hyung sa harap namin"Para kay Jungkook at sa ARMY. Fighting!! "
"Fighting!!!"
Nagsimula na ang concert namin. Kagaya parin ng dati sigawan ng ARMY ang marinig.
Salitan kami nila Jin hyung at V sa part ni Jungkook. Pagduet kami ni Jungkook si V at si Jin hyung ang sumasalo pati sa second voice.
Ang hirap pagwala ang isa. Pag kulang kami. Ang hirap pagwala sya.
Kahit gusto kong magenjoy sa concert hindi ko magawa dahil maspuma-pangibabaw ang lungkot na aking na nadarama.
Kung nandito lang sana sya
Natapos ang aming kanta ng hindi ko nadadama ang awit.
Siguro dahil puro si Jungkook ang nasa isip ko. Apat na araw ko na syang hindi nakikita pakiramdam ko mababaliw ako.
"Hi. ARMY!!!" nagsigawan ang mga fans sa pagbati ni RM hyung.
"How are you?" tanong naman ni J-Hope hyung.
Wala akong balak magsalita. Hindi ko kaya.
"Uhmmm. Siguro nalulungkot kayo ngayon dahil wala si Jungkook" tiningnan ko si RM hyung at kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.Mga luhang nagbabantang bumagsak.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko sa aking mukha. Naririnig ko ang pagchecheer-up ng ARMY samin.
Pero di ko talaga kaya
"Guys. Nalulungkot din kami na wala si Jungkook. Mahirap para sa amin... Lalo na para kay Jimin" tumingin ako kay Suga hyung at tumango lang sya sa akin. "Ngayon namin mas kailangan ang suporta nyo. Kailangan tayo ni Jungkook ngayon"
Yes. I need him to
Binuksan ko ang microphone ko. Huminga ng malalim at nilinis ang lalamunan bago magsalita.
Ako muna ngayon. Aayusin ko ito.Ayoko ng mag sinungaling pa.
Kailangan ko ng sabihin sa kanila... Lahat lahat
"ARMY" Hindi parin tumitigil ang mga luha ko. Parang hindi na titigil. "Sana sa malalaman nya hinihiling ko na sana suportahan nyo parin ang mga hyung kahit hindi na ako"
Disidido na ako. Sa ganitong paraan lang ako makakabawi kay Jungkook.
"Si Jungkook lagi syang nandyan para sa akin.Si Jungkook lagi nya akong sinusuportahan sa lahat ng bagay" tumingin ako kanila hyung.Nakangiti lang silang lahat sa akin.
"Si Jungkook. Mahal na Mahal ko si Jungkook not just a friend, not just a brother. As my boyfriend. As my part of my life "
Rinig ko ang mga bulungan. Pero wala akong pake. Magalit sila? Siraan nila ako? Mandiri sila sa akin I don't care.
Sabi nga ni Jungkook kung ayaw sa amin ng buong mundo wala kaming pake kami ang gagawa ng desisyon namin.
At si Jungkook ang desisyong napili ko
BINABASA MO ANG
Our dangerous love (Jikook/KookMin)
FanficHanggang kailan kaya nila matatago sa ibang tao ang kanilang pag mamahalan?hanggang saan nila kayang panindigan ang pagtatago sa kanilang relation kung lahat ng atensyon ay nasa kanila?Hanggang kailan nila kakayanin ang lahat ng pagsubok na dumating...