2nd Gripped

117K 3.2K 1.2K
                                    

Devilish Stare

May kumatok sa kwarto. Mabilis kong hinila ang kumot at nagtalukbong.

"Elle?"

I heard Kuya Red's soft voice. Hindi ako kumibo at pinanindigang tulog.

Nakarinig ako ng footsteps. Pumasok na siya lalo na't papalit iyon nang papalapit.

"Iiwan ko rito sa gilid ang breakfast mo."

Narinig ko ang paglalapag niya noon. Ngumuso ako.

"Thanks, Kuya..."

"Sinabi ni Dad na nagpaalam ka raw umalis until 10PM?"

Sumilip ako sa kumot, hindi na napanindigan ang gusto. Nakita ko siyang nakatayo at nakapamulsa sa kanyang suot na khaki shorts.

Tumango ako, tanging mga mata lang ang pinapakita sa kumot.

"Saan ka pupunta? Hindi ka naman mahilig lumabas sa mga ganyang oras." Kumunot ang noo niya.

"Sa labas..."

"Saang labas?"

"Basta sa labas lang." Nag-iwas ako ng tingin.

"Sa labas ka lang naman pala eh ba't hanggang 10PM? Lalamukin ka sa labas niyan."

Kinagat ko ang aking labi. This conversation is so nakakabobo! Bahala sila. Lalabas ako mamaya at hindi ako magpapaawat.

"Lumabas kana, Kuya." Nagtalukbong ulit ako ng kumot.

Bumuntong siya ng hininga.

"Sabihan mo ako kung saan ka mamaya nang masamahan kita."

What? No! Gusto kong ako lang mag-isa! Ayokong sinasamahan ako. Ayokong may bumubuntot sa akin at pagbabawalan ako sa mga ginagawa ko! Bakit ba ang higpit higpit nila? Eh si Zera nga nagagawa naman lahat ng kanyang gusto! Dapat ako, ganoon din! Gagawin ko rin lahat ng gusto ko.

Kinain ko ang breakfast kong fried egg, bacon and fried rice with my milk. I think si Kuya Kaizen ang nagtimpla nito since siya naman ang sobrang hilig na binibaby ako. And he's more softer than Kuya Blue. Ang hirap rin kasing tansyahin ni Kuya minsan. Mas maluwag pa si Kuya Red compared to him who's quite strict.

Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Naroon lang ako sa loob, nagmomovie marathon ng kung anu-ano sa aking laptop.

Naka tatlong movie ako. Mga recommendation lang naman iyon sa youtube na sinubukan kong panoorin. Medyo nakakagulat lang iyong huling napanood ko na Crush. I can't do that to seduce someone! Hindi na ako ganoon kabaliw para gayahin ang babaeng iyon! She's creepy!

Mga bandang twelve ng hapon ay may kumatok muli sa aking kuwarto. Bumukas iyon. Hindi ako lumingon at tumitig lang sa laptop.

Sumipol si Kuya Blue.

"Nagtatampo ka raw kay Daddy?" Nagtungo siya sa aking gawi, dala dala ang tray and probably my lunch.

Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paghahanap ng susunod na panonoorin.

Nalanghap ko agad ang pabango ni Kuya Blue nang tuluyan siyang makalapit sa aking gawi. Inilapag niya iyon sa bedside table at kinuha ang tray kanina na naubos ko na ang laman.

"Ano 'yang pinapanood mo? Patingin nga." Tumagilid pa ang kanyang ulo para lang masilip iyon.

Ipinaharap ko sa kanya ang aking laptop.

"It's suitable for my age, okay!"

Tumawa si Kuya Blue. "Chill, baby. Ano ka ba? Si Daddy ang kaaway mo hindi ako."

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon