37th Gripped

104K 2.9K 1.5K
                                    

Gripped

Mas Bagay

Kinilatis ko siya ng husto sa aking mga mata. He eyed me intensely, firing back like I did something offending to him. Unti-unti, ang mga matang iyon ay nalaglag sa aking dibdib. Nangilabot ako dahil pati ang galaw ni Anzai ay kaparehang kapareha.

He likes staring at my boobs at ganoon din itong si Landon! It's because it's him! He's just trying to act like he doesn't know me, na ibang tao siya pero hinding hindi niya maiaalis sa kanyang sarili ang katauhan ni Anzai. Mga mata palang, alam ko na agad!

"Brielle," tawag ni Tobias kaya kumurap ako at medyo natauhan.

Naglakad akong muli at tuluyang lumapit. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paggalaw ng panga ni Anzai- Landon?

"Siya ang bagong bodyguard?" Pangungumpirma ko kay Tobias habang sinusuklay ko gamit ang aking mga daliri ang basa kong buhok.

The irritation on his face is very visible. Mas madilim pa iyon sa kanyang leather jacket, na kahit ang apoy sa kanyang mga mata ay hindi parin humuhupa.

Tobias nodded. "Oo... Si Landon," sabi niya.

Tumango-tango ako at sumulyap sa tinutukoy niyang Landon. Maybe magkamukha lang? And he's more attractive. His sex appeal is oozing! I can't hardly remember Anzai lalo na nang makita ko siya ngayon, parang walang wala ang gwapong mukha niya noon kumpara ngayon. He also got a fresh clean cut hairstyle, ang ilang hibla ay nakaatras ngunit may iilan na nalalaglag sa parteng noo. Plus he grew taller. Tila hanggang balikat nalang ako kahit na pakiramdam ko ay tumangkad rin naman ako.

His manliness screams dominance and power. Para siyang isang hari na kailangan mong sambahin at idagdag pa ang mala Adonis na katawan kaya kulang nalang ay luhuran ng mga kababaihan.

Pilit kong kinalkal ang lalakeng nanakit sa akin ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon, parang mas grabe ang isang ito. Anong nilaklak niya para mas lalong gumwapo ng husto? At tingin niya hindi ko siya makikilala agad dahil lang pakiramdam niya ay mas nalamangan niya na ang kanyang sarili noon?

If he's trying to play tricks again with me then let's see about that...

"Hi..." Naglahad ako ng kamay at ngumiti.

Tiningnan niya ang aking kamay, nagkasalubong ang kilay at nilalamon na ng kasupladuhan ang buong mukha. What's making him angry? O baka naman dahil sa suot ko? Mas lalo lamang akong nagdududa!

Tinanggap niya iyon.

"Landon," he said in his deep baritone voice.

Nangilabot ako ng husto. H-He sounds like Anzai too! Pinaglalaruan ba ako ng mga tao?! O baka naman ay pakulo niya na naman ito! Gusto kong magalit sa kanya at itaboy agad siya paalis ngunit nagdedebate rin sa aking isipan na baka ay nagkakamali lamang ako sa aking hinala.

"My hand, Miss," he said coldly, like I am not allowed to touch him longer.

Ang yabang! Akala niya naman gustong gusto ko. Kumurap ako sa pagkakatulala at mabilis na binitiwan ang kanyang kamay. Ngumiti akong muli ng tipid.

"May kamukha ka lang. Don't get the wrong idea," sabi ko.

He licked his lips. "Boyfriend?"

Napahagalpak ako ng tawa. He's really playing games with me. Anong pakulo niya? Ngayon na umaalingasaw pa ang kanyang pabango ay mas lalo kong nakumpirma na siya nga si Anzai. Haze... Ang sarap murahin! Wala paring pinagbago ang ugali. Mahilig paring mang-uto!

Nanatili akong kalmado. At bakit naman ako sisiklab? Bakit ko ipapakita sa kanya na apektado parin ako? He'll get the wrong idea. Baka sabihin niyang patay na patay parin ako. Kung siya man si Anzai, sigurado akong iyon ang iniisip niya.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon