34th Gripped

99.6K 2.7K 1.2K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Niña Mae H. Berol. Happy reading!
---------

Comfortable

"Fifty Shades, huh?" Umangat ang kilay ni Tobias nang binasa niya ang librong dinampot ko rito sa loob ng isang maliit na Mall sa bayan.

Napag-interesan ko ang pagbabasa ng libro pagkatapos ng aking homeschool. I've been reading alot of Romance these past few days. Kahapon ay natapos ko iyong Fifty Shades of Grey kaya ngayon ay ang hinahanap ko iyong Book 2 naman.

"Oh bakit? Nabasa mo narin ba ito? Oh baka iyong movie ang pinanood mo?"

His brow lifted like he's ready to mock me. Ibinigay ko iyon sa kanya kaya awtomatiko niyang hinawakan at nagkasalubong pa ang kilay noong tiningnan ang cover ng mabuti.

Isang taon na kaming magkasama ni Tobias at may improvement naman sa friendship naming dalawa hindi kagaya noon na para kaming aso't pusa sa Resthouse. Sabihin nalang natin na ang bilis mag-init ng kanyang ulo pag lumalabas ako ng mag-isa at hindi siya sinasama sa aking mga lakad kaya magagalit agad.

"Calm down, Uncle!" Tinapik ko ang kanyang balikat sa hapong iyon, ang talim ng kanyang mga mata ay hindi humuhupa lalo na't pang-ilang beses ko nang takas iyon.

"I wore my mask and my sunglasseses! Sinong makakakilala sa akin eh balot na balot ang mukha ko?" agap ko nang maamoy ko ang nagbabaga niyang mga salita na malapit niya nang pakawalan.

Minsan sa katigasan ng aking ulo ay talagang binubuhat niya ako pabalik, pauwi! Gusto ko lang naman sanang gumala gala sa bayan ng mag-isa. Wala namang nakakakilala ah?

May mga araw na kulang nalang ay pagbabatuhin ko siya ng kung anu-ano sa sobrang inis pag hindi ko na talaga kaya ang kanyang kasupladuhan. Eksperto niya naman iyong sasaluin at babatuhin ako ng matalim na tingin.

But there are times I feel like he really care for me, more than my bodyguard.

"Bata ka ba na tatakbo at madadapa nalang bigla?!" He growled at me, galit na galit habang ginagamot ang sugat sa aking palad.

I got a small scratch on my palm. Medyo maliit lang naman dahil nabuwal ako sa batong nakaharang at naitukod ko ng malakas ang aking kamay.

This isn't the first time I tripped like this. Iyong una, ay iyong may tinakbuhan ako. Ngayon naman, ay dahil lang talaga sa katangahan ko.

Maingat niyang idinampi sa balat ang bulak na may betadine habang hinihipan iyon. I stared calmly on his face, on his eyes. Ang ganda talaga ng kanyang mga mata.

"May girlfriend ka ba?" tanong ko bigla, nacucurious na sa tumatakbo sa aking isipan.

Umahon ang kanyang tingin sa akin.

"Wala."

Oh... So he's single? Sa edad na... Twenty-four?

Hindi siya umimik at ipinagpatuloy ang paggagamot. Tumahimik din naman ako, tumititig parin sa kanya. Nagkasalubong ang kanyang kilay, tila naaalibadbaran sa aking paninitig kaya idiinin sa akin iyong bulak.

Napadaing ako sa sobrang hapdi. Binawi ko agad ang aking kamay at gusto siyang hampasin.

"Stop staring. It's bothering me," pag-amin niya at binawi muli ang aking kamay para gamutin.

He's bothered? Baka naman...

Pero may mga araw rin namang kalmado lang kaming dalawa. Madalas ako sa dalampasigan, namamasyal at nangunguha ng kung anu-anong inaalon galing sa dagat at saka ko pupulutin, titingnan kung anong klaseng shell iyon.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon