44th Gripped

104K 2.7K 796
                                    

Gripped

Worth It

Medyo naging busy na ulit ako sa Center lalo na't huling examination na ng mga bata bago pumasok ang Summer. Kasama ko si Tobias sa paggawa ng Questioner, si Anzai naman ay nag-ooffer na tumulong pero hindi ko na pinapasali lalo na't wala rin naman siyang maitutulong.

He's already close with the kids. Dinadamay niya ang mga bata sa pagpapaamo sa akin lalo na't hindi parin sila tumitigil sa pamimigay ng mga bulaklak pagkatapos ng klase.

Kung may napapansin man ako bukod sa pamemeste ni Anzai, iyon ang ang matabang na pakikitungo sa akin ni Tobias. Something's off with him.

Is he still courting me?

Kinuha ko ang bathrobe at isinuot iyon. Lumabas rin naman ako ng banyo habang itinatali ang laces noon sa aking beywang.

Pagkalabas ko, nadatnan ko si Anzai na inaayos ang aking bedsheet. Nagulat ako sa kanyang presensya. Dumaan na naman ba siya sa veranda?!

"Why are you here?!" Niyakap ko agad ang aking sarili kahit na may suot naman akong damit.

Nilingon niya ako, hawak pa ang aking unan at isinandal iyon sa may headrest. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, sa sobrang lalim ay tila huhubaran na ata ako.

"I just fixed your..."

"Lumabas ka nga!" Nilapitan ko siya at itinulak patungong veranda.

Imbes na mapaatras ay hirap ko siyang magalaw. I cannot even move him a bit! Kulang nalang ay ibigay ko ang buo kong pwersa.

"I can see your boobs. Stop moving," aniya at nakatingin na sa aking dibdib.

Sa aking inis ay sinapak ko ang kanyang dibdib. He chuckled.

"Lumabas ka nga, Haze! Magbibihis ako," sabi ko at itinuro pa ang veranda.

Imbes na makinig ay dumako ang kanyang tingin sa iba ko pang mga gamit. Nagsimula siyang maglakad patungo sa maliit kong book shelf.

"Anzai!"

"I am not going to watch you. Maghubad ka lang..." sabi niya sabay kuha ng isang libro roon at naroon na ang buong atensyon.

Siya talaga ang pinaka matigas na kilala ko. Umiling na lamang ako at nagbihis ng komportableng damit.

Pagkalabas ko, mabilis siyang lumingon. Nakasandal ito sa pader habang binabasa iyong binuklat niyang libro.

Mabilis na nagtama ang aming mga mata. His jaw clenched as his eyes settled on my body. My cleavage is showing and... the dress is too small for me, revealing half of my legs.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at iniwasan ang kanyang mga matang nakakapaso na naman ang tingin. Nagtungo ako sa kama at umupo roon. Kinuha ko iyong lotion at pinahiran ang aking legs.

"Do you need help?" he said hoarsely.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at inangatan siya ng kilay. Baka saan pa mapunta iyang kamay niya. Knowing him...

Hindi ko siya inimikan at ibinaba ulit ang tingin sa aking legs. I can feel his intense stares and it's really bothering me. Hindi pa ba siya lalabas?

Pagkatapos kong maglotion ay nag-angat akong muli ng tingin sa kanya. Nadatnan ko pa ang mga labi niyang nakaawang ng bahagya.

"I'm going to sleep now. Lumabas kana," sabi ko at tuluyang gumapang sa uluhan ng aking kama.

Humiga na ako ng tuluyan. Ibinalik naman ni Anzai ang libro at nagtungo na sa akin. Hinila ko ang kumot at tinakpan ang aking katawan. Imbes na sundin ang aking sinabi, nagulat ako at umupo siya sa gilid ng aking kama at ginawa pang unan ang kanyang mga kamay.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon