11th Gripped

119K 3.8K 4.1K
                                    

Gripped

This chapter is dedited to Danessa Jane Lariosa. Happy reading! Merry Christmas everyone!
-----------

Mas Magaling

"OMG, Brielle!" Nagtilian agad sina Lexy at Peny lang lumapit na ako sa kanilang gawi.

Nagtatalon si Lexy, hawak ang aking mga kamay habang si Peny ay parang nangingisay pa. Tumawa ako at sumulyap kay Kiera na nakahalukipkip lamang, katulad ng palagi niyang reaksyon.

"He taught you how to shoot! Ang cool cool!" sigaw ni Lexy sa nangingislap na mga mata.

Humagikhik ako at ipinakita sa kanila ang aking gold card.

"He also signed me up. May access na ako rito sa shooting range as their VIP customer, too," pagmamayabang ko.

Si Kiera agad ang kumuha noon at tiningnan iyon ng seryoso. Kahit sina Lexy at Penny ay sumilip narin doon, nanlalaki ang mga mata nang tingnan ang makinang kong gold card.

"Holy shit, Brielle... What did you do to Haze?" Halos suminghap si Penny, nakapaskil ang gulat.

"He's treating you like a frigging Princess!" si Lexy naman at tingin sa akin.

Ngumiti ako. "Basta Delafuente, matinik dumiskarte."

Napasulyap narin si Kiera sa aking sinabi.

"And how about his number?"

Bago pa ako makapagsalita ay nagbeep na ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking sling at tiningnan ang screen.

Nabasa ko agad doon ang pangalan ni Haze.

Anzai Haze:

Let's play golf tomorrow. 2PM.

Ngumuso ako at ipinakita nalang sa kanila ang aking screen.

"Nagtext siya."

Ang namimilog nilang mga mata kanina, ay may mas ikakalaki pa pala. Iyon na ulit ang kanilang pinagkaguluhan. Si Lexy ang naunang kumuha ng aking cellphone, sina Penny at Kiera ay nakisilip na naman.

"Ang una niyang text sa'yo ay tuldok!" si Kiera iyon, nagdududa.

"Ah... Ako ang nagtext niyan sa sarili ko. He told me to save my number on his phone at itext daw ang sarili ko kaya..." Pinisil ko ang aking pang-ibabang labi.

"H-Hinayaan ka niyang hawakan mo ang cellphone niya?" si Penny.

Tumango ako. "Alam ko rin ang password ng cellphone niya. He told me para raw may access ako sa phone niya anytime."

"Oh my gosh! Haze is already falling! Naakit mo na siya, Brielle! Parang hulog na hulog na siya sa'yo!" ani Lexy.

Iniabot muli ni Penny sa akin ang aking cellphone. Tinanggap ko iyon at naramdaman ang naninimbang na mga mata ni Kiera sa akin.

"I'm not sure... Pero parang kulang pa eh. I think Haze is just being nice to me..." sabi ko.

"Kulang pa? You mean... Hindi pa siya nahuhulog sa iyo? You got a damn VIP card! A gold card, Brielle!" Nawiwindang na si Lexy.

"Shut-up, Lex. Tama nga si Brielle. Hindi pa sapat ang pagkakahulog ni Haze sa kanya. Dapat ay gumapang ito, para pag binasted siya ni Brielle ay sobrang masakit ang magiging impact kay Haze. We all know that ruthless guy is very heartless. At least si Brielle ang magpaparanas sa lahat ng sakit na ginawa ni Haze sa mga girls," ani Kiera.

Nawala agad ang pagdidiwang sa mukha ni Lexy, kahit si Penny ay tumango, sang-ayon kay Kiera.

"Si Brielle pa eh Delafuente ito. I'm sure she's like Zera, too... Pahuhulugin niya ng husto si Haze at sa huli ay hindi niya ito sasaluhin, right, Brielle?" Ngumisi siya sa akin.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon