27th Gripped

104K 2.5K 1.3K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Aretha Blaize Cozette Janio. Happy reading!
----------

Bisita

Mabilis kong pinabalik si Haze sa daan para puntahan sina Penny at Lexy. Umiiyak sila at natataranta sa nangyari kay Kiera. Anong nangyari? Bakit siya nakidnap? Is this real? Kinakabahan ako.

"Bilis ng karma ah?" ani Haze habang mabilis na ang kanyang pagmamaneho lalo na't tumuntong na sa ninety ang kanyang speed.

Pumikit ako. Oo nagtalo kami kanina pero hindi ko naman pinagdasal na sana ay mapahamak siya. Hindi na ako ganoon kasamang tao para hilingin iyon!

Mabilis kaming nakarating ni Haze. Pagkahinto palang ng kotse ay natataranta agad akong bumaba. Ang agaran kong napansin ay ang mga police na nagkalat at umiilaw na police mobile. Narito parin ang iilang mga nanood ng racing kanina.

"Brielle!" si Penny iyon, humahagulhol na at pilit nalang pinapatahan noong police.

Mabilis akong nagtungo sa kanya. Niyakap niya ako. Kahit si Lexy ay nakaupo roon sa may bench at takip takip din ang mukha.

"We saw it! B-Biglang may huminto na van sa aming harap at hinablot si Kiera papasok!" Nanginginig siya sa pagpapaliwanag.

"Bakit naman siya kikidnapin?!"

"We don't know!"

Naramdaman ko ang imahe ni Haze sa aking tabi. Nilingon siya ng isa sa mga police. Hinaplos ni Haze ang aking siko saka niya iyon nilapitan.

Tinapik ng police ang kanyang balikat. Nameywang naman si Haze, seryosong nakipag-usap sa pulis na mukhang kilala niya ata.

May lumapit sa aming pulis. Lumingon si Haze sa aking gawi. May kung sinabi siya roon sa isa pang pulis na tumango rin saka siya naglakad patungo sa amin.

"Ma'am... Ikaw po ba si Brielle?" tanong niya sa akin, nang makalapit na.

Tumango ako. Humiwalay naman si Penny at nagpunas ng luha. Tiningnan ko si Haze na nasa likod na ng pulis.

"Bakit?" tanong ni Haze.

Lumingon ang pulis sa kanya.

"Ah... Nabanggit kasi ng mga kaibigan niya na ang huling nakaalitan ng biktima ay si Brielle. Gusto lang sana namin siyang imbitahan sa presinto," sabi ng pulis.

Kumalabog agad ang aking dibdib. B-Bakit? Anong kinalaman ko rito? Ikukulong ba ako?!

"Ba't po ako ikukulong?" Natakot agad ako kaya napatingin si Haze sa akin, parang sisiklab narin ano mang oras.

Tumawa ang pulis at umiling.

"Hindi naman po sa ganoon, Ma'am... Baka kasi makatulong lang sa imbistigasyon kaya may itatanong lang kami sa inyo... Interview lang po..."

Medyo kumalma ako roon pero hindi parin nawawala ang takot na baka ay ako ang kanilang ikulong

May panibagong lumapit na pulis, ngayon ay iyong kausap na ni Haze kanina.

"Ikaw raw ang huling nakausap ng biktima bago nawala? Ayon sa sinabi ng kaibigan ng biktima, nakaalitan mo raw bago ito nag-walk out at sinundan ni Miss Brielle? Totoo ba iyon?" tanong niya kay Haze.

Tumango ito, kalmado lamang ang ekspresyon maliban sa akin na namumutla.

"Baka makatulong ka sa imbestigasyon," makahulugan niyang sabi.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon