31st Gripped

115K 3.3K 3.3K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Joyce Valdehueza. Happy reading!
----------

Pain

"Ang suplada mo ata lately? Ganyan ba talaga kayong mga babae pag sinasaktan ng mga lalake? Maiinit lagi ang ulo?" Inakbayan ako ni Kuya Blue nang madatnan niya akong nakabusangot sa umagang iyon ng Lunes.

The dinner ended well last night. Naimbitahan ang mga Rocales sa aming bahay and naroon pa iyong Kaedy na pinanggigigilan ko rin. Napagalitan ako ng kaonti ni Daddy for being mean, kahit si Mommy ay nasermonan.

Sumubo ako at hindi siya pinansin. Kinurot niya ang aking pisngi.

"Hindi ka parin pinupuntahan dito noong Anzai mo. Kaya ba kung kani-kanino mo nalang binubunton iyang galit mo?"

My eyes sharped at him. Sumipol si Kuya.

"Rawr..." He teased me even more.

"Stop it, Kuya!" Sa inis ay gusto ko siyang itulak.

Humagalpak siya at ginulo ang aking buhok. Minsan na nga lang kami magkakausap, puro ganyan pa. I want to say Haze is just busy pero ayokong masupalpal ng masakit na salita ni Kuya.

"Pag priority ka talaga, maghahanap at maghahanap iyan ng paraan para makita ka," ani Kuya at tumayo na, handa na akong iwan dito sa kusina.

Umaasa ba ako? Hindi naman ah? I gave him chance pero hindi naman ako masyadong naghahabol. I'm giving all his time. Kung wala siyang ibibigay sa akin, hindi naman ako pulubi para manglimos.

Sa dumaan na mga araw ay tuwing gabi siya tumatawag. I tried asking him about his work lalo na't nacucurious narin ako.

"Where do you work? Sa office? Kompanya?"

"Yes..."

"Malayo ba? Pwede akong bumisita? Uh? Like tuwing lunch?"

"No need, Elliana. Just stay inside your house. I don't want some distractions..." he said the last word in a very sensual way.

"Edi... Bawal ako riyan? Bawal akong pumunta?"

"Bawal," agap niya.

"How about in your condo? Bawal din?"

"Bawal..."

Habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan ang lahat at mas lalo lamang akong naliliwanagan. He's very different from the usual. Parang limitado nalang ngayon hindi katulad noon na kahit siguro pakialaman ko ang kanyang cellphone ay wala siyang pakialam. Ngayon ay parang bawal na.

"Matutulog na ako. Sige... Goodnight."

"Ellia-"

Pinatayan ko agad siya ng tawag. Bumuntong nalang ako ng hininga at ipinikit ang mga mata ko bago pa may tumulo roon. Iyon nga lang, nagkamali ako dahil may naramdaman nalang akong mainit na likidong umagos.

Why are we forcing this love? Nalulungkot na naman ako. Akala niya siguro mauuto niya ako sa mga ganoong rason. Bakit gusto niya parin akong hawakan kahit binibgyan niya ako ng maraming rason na bumitaw nalang? I don't get him.

But a part of me still wants him. Gusto ko siyang piliin sa bawat araw na nasasaktan lamang ako. Siguro masyado lang akong naninibago at hindi sanay sa ganitong set-up hindi katulad noon na kahit nasa ibang bansa ako ay nakikita ko pa siya. Ngayon kasi parang ang layo layo na talaga namin. Nasa ibang planeta na ba siya nakatira?

Kinalimutan ko nalang ang mga alalahaning iyon sa mga lumipas na araw lalo na't sa dami rin ng nangyari, nakakalimutan ko na minsan ang maliit kong problema.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon