52nd Gripped

141K 2.9K 477
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Dream

Bago pa kami makarating sa kanyang kama ay may nagdoorbell na. Sapat na iyon para mahimasmasan ako. I stopped from kissing him back. Anzai groaned with my response at nakaawang pa ang namumulang labi noong iniwan ko ito.

"May tao..." sabi ko.

I can see the blazing fire in his eyes. Magulo ang kanyang buhok habang ako itong hinihingal.

Tinapik ko ang kanyang braso para ibaba ako. The impatient visitor keeps on ringing the doorbell! Sino kaya iyan?

Bumuntong ng hininga si Anzai at pinasadahan ng haplos ang buhok. Tila may ediya na siya kung sino ang nasa labas at mukhang naaatat nang pagbuksan.

Hinuli niya ang aking palad at ipinagsalikop ang aming mga kamay. Dinala niya ako sa labas at sabay kaming bumaba.

"Sino?" tanong ko.

"Your mother-in-law..." ani Anzai.

Huh? His Mommy? Narito? Oh my gosh! Mabilis kong sinuklay ang aking buhok na nabuhaghag dahil kanina.

Pinagbuksan ito ni Anzai ng pinto. Bumungad agad ang babaeng kaedaran ni Mommy na nakahalukipkip at masyado nang matabang ang ekspresyon. Nakasabit pa sa kanyang bisig ang isang signature bag.

Her dress is very classy... Naka high ponytail ang kanyang buhok at napakakinis din. She looked so gorgeous. Iyon nga lang, tila hindi ito natutuwa.

Nalaglag ang kanyang tingin sa akin. Ngumiti ako ng kaonti.

"Ma..."

Pumasok siya ng tuluyan. "Kaya pala ang tagal mo akong pinagbuksan," the impatient woman said, naglalakad na patungo sa living room.

Sinundan ko siya ng aking tingin. Inilapag niya ang bag doon at inilabas ang isang pamaypay. Umupo siya ng tuwid at ipinatong ang isang paa sa isa pa. She stared at me.

"Oh... Dito na siya titira?" His mother said, masyadong bitter ang boses kahit na ngumingiti naman.

Nilingon ako ni Anzai at tumango. Yumuko siya at bumulong sa akin.

"Magmano ka."

Binitiwan ko ang kanyang kamay at masunuring tumango. Naglakad ako palapit sa kanyang ina kahit kinakabahan ako.

"Mano po..." Kinuha ko ang isa niyang kamay noong yumuko ako at iginiya iyon sa aking noo.

She got shock and offended. Ngumiti ako. Tila gustong gusto niyang bawiin ang kanyng kamay pero dahil nanonood ang anak ay hindi niya magawa.

"Anong pakiramdam na matanda kana talaga, Ma? Magkakaapo kana next year..." Haze chuckled.

"Anzai!" Namumula ng husto ang kanyang ina.

Nagtungo naman ako sa nakangising si Anzai. Bumalik ako sa kanyang tabi. Hinawakan niya ako sa beywang. He looked so proud lalo na't yumuko siya at hinagkan ang aking pisngi...

Tumikhim ang kanyang Mommy.

"I am just here to tell you about your father's arrival. Hindi mo sinasagot ang tawag ko," giit niya.

"Well... I'm busy with my wife..." Anzai said cooly.

"Hijo... At least answer my calls..." Mas lumambing ang kanyang boses sa namumungay na mga mata.

"Dad called me last night. He informed me on his upcoming arrival, Ma. Pupunta ako," ani Anzai.

Napangiti ang kanyang labi. "Thank you... Everyone's expecting your presence. Matutuwa rin ang Daddy mo kung naroon ka..."

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon