13th Gripped

119K 3.3K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to JelsenLeila Legaspi. Belated happy birthday and happy reading!
------------

Gustong Gusto Ko Pa

Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami gaanong nakakapagkita ni Haze. Pa text text nalang at tumatawag siya paminsan minsan pero may mga araw din namang nakakalimutan ko talagang magreply.

Naging busy rin kasi ako lalo na't nagpaplano sina Mommy at Daddy na pumunta sa US para bisitahin namin sina Lolo at Lola. Doon ata kami mamamalagi ng ilang araw, kami ng mga Kuya ko at mga pinsang Fortalejo, lalo na't birthday din ni Lolo.

"Pupunta rin ba sina Ate Chey, Mommy?" pangungumpirma ko habang nasa isang Mall kami, namimili ng mga ipapasalubong kay Lolo.

"I guess so... Pupunta rin kasi ang Tita Cheyenne mo roon so baka makakasama natin sila including your other cousins."

Tumango ako at tiningnan ang aming cart na medyo napupuno na. Puro lang naman iyon pagkain na hindi nabibili roon.

Sa mother's side ay nasa Pilipinas rin naman lahat ng aking pinsan. Sa father's side naman ay may iba na nasa ibang bansa talaga like Nana and Brandish. Ang mga Fortalejo ay nandito rin kasi. Iyon nga lang ay busy rin sila sa mga sarili nilang buhay kaya hindi kami masyadong nagkakabonding, maliban nalang kung may okasyon.

Nagbeep ang aking cellphone kaya bumagal ang aking paglalakad at hinayaan si Mommy na mas mauna. Busy ang kanyang mga mata sa paghahanap ng mabibili pa namin.

Tiningnan ko iyon at nakita ang text ni Haze roon.

Haze:

You're leaving tomorrow with your fam?

Nabanggit ko sa kanya ang pagpunta namin sa US kaya baka matagalan pa ulit bago kami magkita. Nagtataka nga ako rito kay Haze. Isn't he working? He's already old... Kaedaran niya lang ata sina Kuya Toshi at Kuya Grey. Ang dalawa ko ngang pinsan ay sobra nang busy sa pagtatrabaho at halos hindi na nakakasama sa aming mga bonding tapos itong si Haze ay nagagawa pang sumali sali sa mga drag race.

Graduate na ba siya?

"Baby..." tawag sa akin ni Mommy nang napansing wala na ako sa kanyang tabi.

Mabilis akong humabol sa kanya at ibinalik ang cellphone sa aking bag, baka at mapansin niyang masyado akong busy sa aking cellphone.

Sinamahan ko si Mommy sa Mall ng ilang oras doon. Kumain muna kaming dalawa sa isang Restaurant na malapit at doon lamang nagpasyang umuwi noong mapagod narin, lalo na't sinundo rin kami ni Daddy.

"Naasikaso mo na ang lahat?" tanong ni Mommy kay Daddy.

Nasa likod lamang ako, kumakain ng fries.

Tumango si Daddy. "Marami namang maiiwan." Saka niya ako nilingon sa likod. "Hi gorgeous..."

Humagikhik ako kay Daddy at sinubuan siya noong fry na aking hawak. Ngumisi siya pabalik sa akin.

"Sinabihan mo na ba ang mga friends mo, Elle? Matagal tayong mawawala. Baka gusto mong imbitahin sila sa bahay for dinner..." ani Daddy nang nasa daan na ulit ang tingin.

"Yes po. And huwag na, Daddy. Bibilhan ko nalang sila ng pasalubong," sabi ko at sumubo ng fries.

"You sure?"

Tumango ako at ngumiti nang tiningnan niya ako sa itaas ng salamin.

Naisip ko rin kung iimbitahan ko sina Kiera, Penny, Lexy, and some of my friends ay baka kung ano pang mabanggit ni Kiera sa parents ko, including to my Kuya. Baka pag nalaman nila ang mga pinaggagawa ko ay hindi na ako payagang gumala kaya mas mabuting huwag nalang.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon