5th Gripped

110K 2.9K 493
                                    

Nervous

Humihikab ako kinaumagahan. Humabol kami sa buffet ng Restaurant para maraming mapagpilian na mga food kaso inaantok pa ako noong ginising nila ako.

Dumating na rin ang aking mga pinsan. Inilapag ni Kuya Red ang isa niyang hawak na plato sa aking harapan, ganoon din si Kuya Blue na naglapag ng juice para sa akin.

Tiningnan ko ang plato ni Zera at napansin iyong Cordon Bleu na wala sa aking plato.

"Kuya Red... You forgot my cordon bleu," sabi ko at itinuro ang nasa plato ni Zera.

Napakurap siya at hindi natuloy ang planong pag-upo.

"Kukunan nalang kita. Paborito mo nga pala 'yon..." ani Kuya Red pero bago pa siya makaalis ay dumating na si Kuya Blue at naglapag ng maliit na bowl kung nasaan ang paborito ko.

"Alam kong makakalimutan niya iyon..." ani Kuya at sabay sulyap kay Kuya Red na ngayon ay hinahaplos na ang batok.

"Buti at kabisado kita." Tumawa si Kuya sa kanya.

Ngumiti narin ito at umupo na. Naglakad na rin si Kuya Blue sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ni Hiro at doon siya umupo.

Bumalik narin si Ken, may dala nang isang plato habang nakabulsa pa ang isang kamay. Tumabi siya kay Kuya Blue, lalo na't naroon ang bakante at sa right side niya naman ay si Hiro.

Huling araw na namin iyon doon lalo na't uuwi narin kaming lahat. Halos nakaka two weeks narin kasi kami rito sa Cebu at kung saan-saan lamang kami napapadpad, sa huli ay dito na talaga sa Bounty Beach naisipang magtagal.

Katabi ko si Zera sa eroplano, sa likuran ay si Ken at Kuya Blue ang magkatabi, sa likuran nila ay si Kuya Blue at Wayt at sa aming harapan naman ay si Hiro na mag-isa lamang at naka earphone pa.

Tulog si Zera lalo na't nasa may bintana siya. Nakapikit ako pero hindi naman ako dinadalaw ng antok kaya naririnig ko ang usapan ni Wayt at Ken sa likuran.

Medyo hangover pa ako sa naging byahe namin sa Cebu kaya halos bumawi ako sa tulog sa bahay.

Sabado. Dumagsa na naman ang mga text ni Kiera sa akin. Alam niya nang umuwi na kami noong isang araw dahil sa social media ng aking mga pinsan since she followed them. Ako lang ata ang nagfollowback sa kanya sa instagram.

Binasa ko ang kanyang text habang kumakain ng cereal sa umagang iyon sa aming patio.

Kiera:

Manonood kami mamayang 4PM ng motocross. Haze is there, too.

What's motocross? I haven't heard about it.

Nagtipa ako.

Ako:

Sige. Isend mo nalang sa akin ang lugar kung saan at kung anong oras.

Nagreply agad si Kiera.

Kiera:

Sure, Brielle! Buti at sasama ka.

Ako:

Why not? Namiss ko kasi kayo!

Ngumiwi ako at ginalaw muli ang aking cereal na natutunaw na sa fresh milk na nilagay ko.

Kiera:

Aw... You're such a cutie, Brielle. I miss you, too! Wala ba akong pasalubong?

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Meron. May mga keychains akong binili and some neon tshirt with I Love Cebu City. Bibigyan kita later.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon