7th Gripped

110K 2.7K 1.3K
                                    

Basta Delafuente

"Oh my gosh, Brielle! Oh my gosh!"

Ang tilian nina Lexy at Penny ang nagpabalik sa akin sa aking sarili. Kumurap ako at nilingon sila, ang mga panga ay laglag at nanlalaki pa ang mga mata nila.

Humalukipkip si Kiera sa gilid, habang ang dalawa naman ay nasa aking harapan na at kulang nalang magtatalon sa kanilang tilian.

"Hindi ako makapaniwalang pinasakay ka niya sa motor niya!" ani Penny.

"Oh my gosh! Ang swerte mo! Naakit mo ata si Haze!" ani Lexy.

Ngumiti ako sa kanila. "Oo... Parang ganoon na nga. We're close now." Humagikhik ako sa kanila.

Nagtilian sila lalo, ang iba pang mga babae rito ay pinagtitinginan ako, marahil ay dahil nga sa pagpapasakay ni Haze sa akin sa kanyang motor.

"You got his number? Niyaya kang makipagdate?" tanong bigla ni Kiera.

Napatingin ako sa kanyang dako. Oo nga pala! I forgot to get his number! Ni hindi rin kami nakapagpicture dalawa!

Umiling ako at ngumuso. Hawak ko parin ang aking cellphone kaya hinalungkat ko agad ang picture ni Haze roon kanina na kuha ko.

"I'm sure prinangka ka ni Haze to stop bugging him because you're annoying him. Tama ako 'no?"

Napatingin narin ng makahulugan sina Lexy at Penny sa kanya. Natigilan naman ako lalo na't iyon nga talaga ang sinabi ni Haze sa akin. But we have a deal... Pag naakit ko siya ay mapapa saakin siya.

Ipinakita ko agad ang screen sa kanila nang matauhan ako. Nagulat agad sina Lexy at Penny, ang aking cellphone ay mabilis pa nilang kinuha.

"Ang gwapo niya!" Tumili ng malakas si Penny, kahit si Lexy ay nalaglag na naman ang panga kakasilip sa picture ni Haze.

"Wala naman siyang sinabing ganyan sa akin, Kiera..." sabi ko at ngumiti.

Mas naging malalim ang paninitig niya sa akin.

"Siya ba ang nagpicture nito sa'yo, Brielle?!" Ipinakita ni Lexy sa akin ang picture kong nakangiti, nagpepeace sign.

Tumango ako at marahang natawa. Mas lalo lang nila iyong pinagkaguluhan.

"Ang swerte mo at nautus-utusan mo siya ng ganoon! Nakakatakot nga siyang lapitan at kausapin tapos ikaw... Oh my gosh! Bilib na talaga ako sa'yo! Delafuente ka nga! Ang galing niyong mang-akit at nakukuha niyo talaga ang gusto niyo!" ani Penny sa dala ng matinding saya.

Hinawi ni Kiera ang kanyang buhok, tila hindi parin kumbinsido dahil masyado pang seryoso ang kanyang ekspresyon.

"Did you two kiss? Did he kiss you?" deritsahan niyang tanong sa akin.

"H-Huh?"

Umangat ang kilay niya sa akin, ang ngisi ay unti-unti na namang lumabas sa labi.

"Who's your first kiss, Brielle? Or maybe... you don't know how to kiss." Natawa siya roon.

"He kissed me on my cheek after saying I'm pretty..." sabi ko sanhi para matigilan si Kiera, ang dalawa naman ay may mas ikakalaki pa pala ang mga mata.

"S-Seryoso ka ba riyan, Brielle?!" ani Lexy sa gulat na gulat na mukha.

Tumango ako at itinuro ang aking right cheek.

"Dito oh..."

Mas tumili sina Penny at Lexy, silang dalawa na ngayon ang nagtatalon talon sa sobrang saya kaya natawa ako. Si Kiera naman ay umangat lamang ang kilay, hindi parin kumbinsido.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon