The Untold Part

145K 3.3K 1.3K
                                    

Gripped

Anzai Haze Castellano

I started with my plans, to crash the empire of the Valdez. Kailangan kong siguraduhing wala na silang pakinabang sa amin nang hindi matuloy ang kasal na ito. I started gathering informations using his daughter, Sienna. Siya ang alas ko ngayon lalo na't sigurado akong marami siyang alam sa kanilang kompanya.

"Hey..." Ngumiti siya sa akin pagkagising ko.

Narito na siya at suot suot ang aking damit. I gave her the passcode of my condo para akalain niyang tuloy na tuloy ang kasal at hindi parin nagbabago ang aking isipan.

Nagtungo siya sa akin. Hinila ko ang kanyang beywang palapit. Kitang kita ko ang pamumula niya. This is so easy...

"You're wearing my shirt..." sabi ko at hinaplos ang butones noon habang tinitingnan siya ng malalim.

"I'm sorry. Is it okay?"

Ngumisi ako at tumango. "You're going to be my wife soon so why not, Sienn?" I leaned closer.

Ramdam ko ang kanyang kaba lalo na't rinig na rinig ko rin ang pintig ng kanyang puso. Ganoon iyon kalakas.

"Oo nga pala... That girl named... Elliana?"

Sa kanyang binanggit na pangalan ay mabilis akong nawalan ng ganang landiin ito. Fuck... I missed her.

"Yeah?" I tried to sound okay.

"Pumunta siya rito kanina. Hinahanap ka..." Tiningnan niya ako sa mga mata.

I need to distance myself first. Baka pag lumapit lapit ako ngayon sa kanya ay mapahamak pa siya. I'll settle this first.

"Ang gandang bata..." sabi niya.

Mas maganda pa sa'yo, hindi ba? Gusto ko sanang insultuhin pero baka hindi ko makuha ang mga gusto kong impormasyon sa kanya. Damn it.

Hinayaan ko siyang dumikit dikit sa akin. Hinayaan ko siyang tumira sa aking condo. Hinayaan ko siyang mag-assume na may something na sa aming dalawa. Kung hindi ko nakilala si Elliana, okay naman ito. Pasado sa aking standards. Katawan palang... And we already know each other since we were kids. Kaya ko siyang pakasalan kung walang Elliana sa buhay ko. But after seeing that girl, I realized I don't have high standards with girls if it wasn't her. Ganoon ang pinaparamdam niya sa akin lagi.

She's mad at me. Alam ko iyon lalo na't wala na akong masyadong oras sa kanya. Lalo na't noong inimbitahan niya ako sa kanilang bahay ay hindi pa ako sumipot. Kung hindi lang talaga may sumusunod ay tutuloy na ako kaso ang mga putangina ay binabantayan ang bawat kilos ko.

Pag ako nakakuha ng alas sa kanila ay babaliktarin ko talaga sila. Siguraduhin lang nilang hindi nila gagawin si Elliana dahil talagang makikipagpatayan ako.

"Anzai!" Mabilis akong niyakap ni Sienna nang binalak kong sundan si Elliana.

Tangina! Naghahalo ang aking emosyon. Galit na galit sa pangmamanipula ni Sienna at takot na takot sa maaaring epekto noon kay Elliana.

"You are bound to marry me! Hayaan mo na ang babaeng iyon!" sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

To my anger, I pulled her away from me. Matalim ko siyang tiningnan.

"You're nothing compared to that woman, Sienna," I glared at her.

Mabilis siyang namutla at tila nanghina sa aking sinabi. Mabilis na akong lumabas para sundan si Elliana. Shit... This is so wrong! Maraming umaaligid na tauhan ng mga Valdez! One wrong move and they're going to assasinate her.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon