10th Gripped

120K 4K 5.2K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Jonah Domingo. Belated happy birthday!
------------

Wala Kang Takas

Mabilis kong binitiwan ang baril pagkatapos kalabitin ni Haze iyon. Namutla ako at umalis agad sa kanyang harap. Sumulyap siya sa aking buhok na nakaponytail at ibinalik rin naman sa hawak na baril saka iyon inilapag.

"Guns are very dangerous at pag nalaman ng mga Kuya ko na sumasali ako sa ganito ay magagalit sila," giit ko.

"That's why I'm going to teach you. I'm expert with guns..." Hinubad niya ang kanyang eye protection at headphone kaya iyon narin ang aking ginaya.

"P-Pero kahit na!"

Binasa niya ang labi at nameywang sa akin.

"How about archery?" suhestyon niya.

"Ayaw ko rin ng ganoon!"

"Golf?"

Umawang ang aking bibig pero nang napagtantong hindi naman iyon masyadong delikadong hobby ay natutop agad ang aking labi.

"Marami akong pinagkakaabalahan. And I like girls who's sporty."

Ngumuso ako. Tumitig siyang muli sa ayos ng aking buhok, kalaunan ay nag-iwas ng tingin at umangat ang dalawang kilay.

"Bahala ka nga. Ikaw na nga itong binibigyan ng ediya para makuha ako..." pagpaparinig niya lalo na't masyado ring malakas ang kanyang boses kaya rinig na rinig ko talaga.

"Okay... Pumapayag na ako. I think I can handle guns..." sabi ko agad, nang magkaediya na mapapalapit nga naman kami sa isa't isa pag nakahiligan ko rin ang mga hobby niya.

"Ang bilis magbago ng isip mo," aniya sabay haplos sa kanyang buhok.

"Because I want to own you!" pagmamalaki ko sa kanya na ikinaliwanag ng kanyang mukha.

Tumikhim siya, nag-iwas din ng tingin.

May naalala ako bigla, iyong napaanood ko sa Movie. I should try it! Tinitigan ko ang suot niyang plain gray tshirt, ang sa ibaba ay dark pants at itim na sapatos naman. Ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kanyang tshirt at hinila palapit sa akin.

I was expecting he'll end up closer to me. Pero ang nangyari ay hindi man lang natinag si Haze na kahit anong hila ko sa kanyang tshirt ay hindi talaga siya napapalapit sa akin!

He stared at me curiously, magkasalubong ang kilay habang ako itong bumusangot na.

"Come closer!"

Humakbang rin naman siya palapit kaya huminahon agad ang aking ekspresyon at napahagikhik nang sobrang lapit na namin sa isa't isa.

"Akin ka. Gets mo?" seryoso kong sabi.

Namulsa si Haze, nakaangat ang kilay at bumaba ang tingin sa kamay kong hawak parin ang kanyang tshirt.

"Oo gets ko..." he said seriously, hindi ko alam kung nakikiride-in lang sa aking pakulo o pinagtitripan ako.

"So... Nagtagumpay ako?"

"Try harder. Make me fall on my knees..." he said cockily.

Bumuga ako ng hangin at nafu-frustrate siyang tiningnan. Sinasabi ko na nga ba! Bakit ba hindi gumagana sa kanya ang mga diskarte ko? Sumimangot ako sa kanya.

"You are so heartless..."

Hindi siya umimik doon kaya binitiwan ko ang kanyang tshirt. Humarap siyang muli roon sa table at hinila pa ako paharap doon. Dinampot niyang muli iyong gun.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon