20th Gripped

125K 3K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Jaia Mae Navarro. Happy reading!
------------

Pulang Pula

Pinulot ni Haze ang mga pagkain at isinilid ulit sa cellophane. Hindi ako mapakali. Nahihiya ako sa kanya. We really kissed... Ang rami kong naramdaman sa halik na iyon na hindi ko pa talaga nararamdaman sa buong buhay ko. He's too expert at nahihiya ako sa pagiging baguhan ko.

Haze checked his wrist watch. Tiningnan niya ang oras at sumandal muli sa aking tabi, hindi na nakaupo kumpara sa akin.

"You're hungry?" tanong niya nang nilingon ako.

Umihip ang hangin. Sumabog ang aking buhok. Sinundan niya iyon ng tingin at inayos iyon para hindi tumakip sa aking mukha, ang iilan ay isinabit niya sa gilid ng aking tainga.

"Ah... Anong kakainin ko?" tanong ko, nawawala sa sarili dahil lang sa simple niyang kilos.

"Ano bang gusto mo?"

Tumingala ako sa kalangitan at pinisil ang pang-ibaba kong labi. I can feel the intensity of his stares kaya nalalaglag din lagi sa kanya ang aking mga mata.

"Marunong kang magluto?" tanong kong muli.

"I lived alone so..." Kinamot niya ang kanyang batok. "Yeah..."

"Pwede tayo sa condo mo?"

Nagulat siya sa aking sinabi. Marahan akong ngumiti. Kumislap ang kanyang mga mata sa akin.

"Gusto mo?"

"Ikaw... K-Kung gusto mo," sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Oo. Gusto ko," agaran niyang sagot.

Tiningnan ko siyang muli. Nakaparte ang kanyang mga labi. Ang sinag ng sunset ay tumama na sa kanyang gwapong mukha at hinalikan iyon kaya kumikislap siya. Suminghap ako dahil masyado talaga siyang nag-uumapaw sa kagwapuhan.

Four-thirty pa naman kaya noong nasa front seat na ulit ako ng kanyang kotse ay nakatingin nalang ako sa labas ng bintana. Noong nilingon ko si Haze, nadatnan ko siyang nakangisi, ang isang kamay ay nagmamaneho at ang isa ay nakahilig sa bintanang nakabukas habang pinipisil ang pang-ibabang labi. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana, hindi narin naiwasang ngumisi.

Can I tell this to Mommy, at least? Or kay Kuya Red? But I'm sure they're against it. Hindi pa ako pwede sa ganito... B-Baka mapagalitan lang ako. Kung kay Zera naman... I'm not sure she'll listen to me. She's busy. Wala akong mapagkukwentuhan maliban kay Haze na napagkukwentuhan ko sa lahat ng bagay, sa lahat ng nangyayari sa buo kong araw.

Nakakaguilty kasi. What if Daddy found this out? Magagalit ba siya ng husto? Madidisappoint ba siya sa akin? Hindi ko pa naman naranasang magalit siya sa akin dahil never ko naman siya hindi sinunod pero ngayon na may sinusuway na ako ay nakakakaba.

Huminto rin naman kami sa not so familiar condominium sa aking mga mata. My Lolo owned a building of condominiums. Si Daddy ngayon ang nagmamanage noon at ang alam ko, pati sina Kuya ay nagbabalak ding magtayo ng another branch sa ibang lokasyon. Mabuti at hindi sa amin nakacheck-in si Haze kung hindi ay mabubuko na talaga ako.

Nagtungo kami sa kanyang condo. Nag-enter siya ng passcode at sa sobrang bulgar pa noon ay nakabisado ko agad sa aking utak.

"Familiarize my passcode so you can come here freely if you want to," ani Haze nang binuksan na iyon ng buo.

"Talaga? Pwede anytime?" Bumuntot ako sa kanya.

"Yes."

I giggled. Kinagat niya rin ang kanyang labi at nailing.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon