42nd Gripped

109K 2.8K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
---------

Scared

Noong mga bandang ten ay dumating rin naman si Tobias. Napangiti agad ako nang pumasok siya sa classroom, dala dala ang snacks ng mga bata na nakasilid sa isang paperbag.

"Ang tagal mo..." Lumapit ako sa kanya.

I felt Anzai's cold stares. Binalewala ko iyon lalo na't pati ang mga bata ay tumakbo rin, isa-isang nagtungo sa kanya.

Binuhat niya si Aira na yumakap sa kanyang hita.

"Kuya! Marunong na ako ng subtraction!" pagmamayabang ni Aira.

"Very good..." Kinurot niya ang pisngi nito na humagikhik agad.

Kinuha ko ang paperbag para madistribute ang mga snacks nila, lalo na't iyon pa ang kaninang hinihintay ni Arron. Umakyat siya sa aking upuan at nakisilip din noong binuksan ko na ang paperbag.

"Yes! Chocolate Monde!" Pumalakpak agad si Arron nang makita ang loob.

"Ang hilig mo sa tsokolate ah! Masisira 'yang ngipin mo..." sabi ko na ikinahagalpak ni Ismael sa aking gilid.

"Eh sira rin naman mukha ni Arron!" pang-aasar niya.

"Sshh! Mapapagalitan ka ni Kuya Landon," bulong ni Rita at palihim na nilingon si Anzai na nanonood lamang sa akin.

Nagkasalubong agad ang aming mga mata kaya umiwas nalang ako at pinagbibigyan isa-isa ng snacks ang mga bata. Si Tobias naman ay nagbubukas na noong isang box ng juice habang nakaabang si Aira at nasa likod pa ang mga kamay.

"Dalawa po, Kuya Tobias..." sabi ni Aira, ipinapakita ang dalawang daliri.

Pagkatapos ko silang bigyan ng Mamon ay nagsitakbuhan naman agad sila patungo kay Tobias para sa juice. Tiningnan ko si Aira na naunang bigyan ni Tobias ng dalawa. Mabilis agad siyang tumakbo patungo kay Anzai para ibigay iyon.

Ngumisi si Anzai at tinanggap ang juice. Sumunod na tumakbo sa kanya papalapit ay si Arron, may dala namang straw.

Napatingin si Tobias sa dakong iyon. Umangat ang kanyang kilay, marahil ay hindi niya rin inaasahang mapapalapit agad ang ibang bata sa kanya sa kabila ng pagiging seryoso at ruthless na awra nito.

"Ate Brielle... Pahingi pa ako ng isa pong Mamon..." si Rita naman, nililingon din ang dako ni Anzai.

Binigyan ko siya ng isa at katulad ng ginawa nina Aira at Arron, tumakbo rin si Rita patungo kay Anzai.

Si Kiki at Ismael lang ata ang takot na lumapit sa kanya.

Si Tobias na ulit ang naging katulong ko sa pagtuturo sa mga bata. Si Anzai ay nanonood lamang, na sa tuwing matatawa ako ay mahuhuli ko agad ang malalim niyang paninitig.

Noong lunch time na ay sina Sister Wilcel at Sister Amara ang naghatid ng mga pagkain. Kitang kita ko ang pagkagulat ni Sister Amara nang sumulyap siya kay Anzai, lalo na't may binubulong din si Sister Wilcel sa kanya, siguro ay nakwento niya si Anzai.

Mga packed lunch ang madalas nilang hinahatid. Si Anzai ay nagtungo muna sa labas. Ang sabi niya ay may bibilhin lang daw.

"Ate Brielle... Para sa'yo... Sinong mas gwapo? Si Kuya Landon o si Kuya Toby?" tanong sa akin ni Rita lalo na't nasa isang malaking mesa kami na pinagdugtong lang naman para magkasya kaming lahat.

"Uy!" panunukso naman ni Ismael.

Ngumiti ako. Si Tobias ay naninimbang ang mga mata sa akin, siguro ay interesado siya sa aking sagot.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon