39th Gripped

103K 2.8K 1.1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Alliana Marie Maranan. Happy reading!
----------

Devil

Napagdesisyunan kong pumunta nalang sa bayan sa Linggong iyon para bumili ng Vitamins para sa ina ni Potpot. Anzai is coming with us, lalo na't mamimili raw iyon ng mga damit.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng sleeveless vneck croptop na kulay beige plus highwaist jeans, showing a bit of my tummy. Sa aking sling bag ay isinilid ko ang importanteng mga gamit na naroon lamang sa bed side. Polbo... Alcohol... Wipes... Wallet... Bago pa mapagtanto na may nawawala roon ay natigilan na ako.

There's something missing. Alam ko... Dito ko lang iyon nilagay sa bedside table ah? Katabi ng mga gamit ko? Nasaan na iyon?

Mabilis na akong tumayo at hinanap sa bedsheet ang nawawalang bigay na sulat ni Tobias. Hindi ko pa iyon nababasa dahil sa raming bumabagabag sa isipan ko, palagi ko nalang nakakalimutan!

Isa-isa kong binuksan ang mga drawer. Inisa isa ko rin ang mga sulat ng mga bata ngunit wala talaga roon kay Tobias. Pinagbabalik ko iyon at isinarang muli saka ako yumuko para masilip ang ilalim ng kama. Baka kasi hinangin at sumuot doon. Pero wala! Malinis ang ilalim at ni isang papel na nagkalat ay wala akong nakita!

Where is that letter? Huli ko iyong nakita noong hapon kahapon. I was about to read it kaso kumatok ang lintang si Anzai at nagdadahilan na naligaw raw at napagkamalang kwarto ang akin! Iyon ang huli! Pagkatapos noon... Sa gabing iyon, pagbalik ko ay hindi ko na namataan noong inaayos ko ang aking bedsheet at unan at kumot naman ang nawawala-

Holysh-He stole Tobias' letter! Pinakialaman niya ba ang gamit ko?!

Mabilis akong nagsuot ng sandals at kinuha na ang aking slingbag saka ako bumaba. Nasa hagdan pa lang ako, nakita ko na ang dalawa na nakahalukipkip doon, hindi nagpapansinan na akala mo ay mga estranghero lang.

I immediately found Anzai's eyes lalo na't tiningala niya ako habang bumababa ako. His jaw clenched nang bumaba pa ang kanyang mga mata sa aking dibdib at sa parteng tiyan. My eyes sharped at him na kahit si Tobias, nang mapansin iyon ay napatingin narin kay Anzai. P-Paano ko iyan kukumprontahin nang hindi nalalaman ni Tobias? Baka anong isipin niya pag sinabi kong nawawala ang letter niya at hindi ko pa nababasa. He... He gave that on my birthday. Mahalaga iyon sa akin.

Naka sleeveless si Anzai, revealing his biceps, plus jeans. His hair is quite fixed. Nakaatras ang iilang hibla ngunit may nalalaglag parin, mas lalo siyang nagmumukhang ruthless. Si Tobias naman ay naka simpleng puting tshirt, jeans and shoes. His hair is properly fixed too...

Inirapan ko si Anzai nang magtungo ako kay Tobias. Lagot ka talaga sa akin mamaya, you thief! Magnanakaw!

"Are we going on a party?" sarkastikong tanong ni Anzai, pasulyap sulyap sa aking dibdib at tiyan.

Binalingan ko siya at hinawi ang aking buhok, malamig siyang tiningnan.

"Huwag mo kasing tinitingnan kung di mo naman pala gusto. Di rin kita gusto," malinaw kong sabi at humawak sa braso ni Tobias.

"Enough..." bulong ni Tobias sa akin kaya inirapan kong muli si Anzai. Pakialamero!

Nauna kaming magtungo sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.

"You're quite showing too much skin," sabi niya, mukhang pinupuna narin ang aking suot.

Hinila ko ang aking seatbelt at ipinagkibit nalang iyon. He licked his lips at isinara na ang pinto. Umikot siya sa drivers seat habang si Anzai ay binubuksan na ang backseat. Padabog siyang pumasok, na kahit pagsara ng pinto ay sobrang padabog din na kulang nalang ay sirain niya iyon.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon