47th Gripped

126K 3K 736
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Nancy Castillo. Happy reading!
------------------------

Sunset

Kinaumagahan, nagkakape na silang lahat sa ibaba noong magising ako. Mukhang good mood ang lahat at naroon din si Potpot, may gatas ring iniinom.

"Maagang gumising si Landon at nagpakape... Naroon nga iyon ngayon sa loob ng kusina, nagluluto," si B1 ang nagpaliwanag.

Huh? Himala at mabait ata siya sa lahat? Kahit si Tobias ay tahimik din sa kanyang kape, pasulyap sulyap lamang sa akin.

"Good morning, Ate Ganda!" si Potpot.

Ngumiti ako sa kanya. "Good morning Potpot... Ubusin mo ang gatas mo ha," sabi ko.

Tumango siya sa akin at ngumiti sabay kagat noong hawak niyang pandesal. Nagtungo naman ako sa kusina para silipin si Haze.

Pagkapasok ko roon, ang sumisipol na topless na si Anzai ang nadatnan ko. Magulo ang buhok at tanging pants ang kanyang suot. Mukhang kakatapos lang rin nitong maligo dahil sa mamasa masang buhok.

Nagtagal ang aking tingin sa kanyang muscles na gumagalaw. Bigla bigla nalang sumagi sa aking isipan ang ginawa niya kagabi kaya pinamulahan agad ako ng pisngi.

Lumingon siya sa akin at napansin ako. Umalis siya roon sa harap ng stove at nagtungo sa akin. Umayos naman ako ng tayo at iniwas ang tingin. Ayokong mapagkamalang masyadong nahihibang sa kanyang katawan.

"Morning..." Ninakawan niya ako ng halik sa aking labi. Namilog ang aking mga mata at ngumisi lang ang linta.

"Ano iyong nakita ko?" Boses iyon ni Aling Honey na nasundan agad ng hagikhik.

Bumalik si Anzai sa kanyang ginagawa. Naestatwa naman ako at hindi alam kung magpapaliwanag ba o baliwalain nalang.

"Ang aga agang gumising ni Landon... Ipagluluto ka raw," ani Aling Honey sa nanunuyang boses.

Ngumuso lamang ako at pinanood siyang ganadong ganado nga dahil sa bilis ng kilos. He looked so handsome early in the morning. May araw bang hindi? Eh lagi naman siyang ganyan.

Pumasok si Aling Honey sa kusina para may kunin sa loob ng ref. Nagtungo naman ako sa mesa at umupo sa bakanteng upuan. Ngumisi si Aling Honey sa akin ng makahulugan bago lumabas dala dala iyong water bottle niya.

Maybe she's thinking Anzai and I have a thing? Sa nasaksihan niya, baka nga ay sobra pa ang iniisip noon. Baka naglalaro na sa kanyang isipan na kami ni Anzai slash Landon at tinatago lamang namin.

"Coffee?" tanong niya at sumulyap sa akin.

Nagtagal pa ang aking mga mata sa kanyang likod. His back looks perfect, too! Na kahit tumalikod lang siya buong oras ay masasabi mo talagang may gwapo itong mukha.

"Kape ba ang gusto mo o ako?" ulit niya at humalakhak, marahil ay nahuhuli na ang kalikutan ng aking mga mata.

Nag-iwas agad ako ng tingin at humalukipkip sa aking upuan. Itinuon ko ang aking mga mata sa ibang direksyon.

"Coffee is much better than you," sabi ko.

"Hmm... Bitin ka ba kagabi?"

Namilog agad ang aking mga mata at napatingin sa pinto ng kusina. Mukhang wala namang nakarinig dahil sa boses nila B3 at B1 at tila may ibang topic kaya medyo naibsan ang aking kaba.

"Shut-up." Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

He pursed his lips at ibinalik na ang atensyon sa niluluto. Nailing ako at tiningnan ulit ang likod niya. Geez... Nakakamanyak ang isang ito.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon