CHAPTER 1: Kilalanin

1.6K 50 18
                                    

Personal thoughts about this story.

Actually, nako-cornyhan ako sa story na 'to pero ito yung may pinaka maraming reads, haha! Ewan ko ba. Last year ko pa kasi 'to ginawa at eto yung first ever book na natapos ko since 2016. That year pa kasi ako nag-star mag-sulat pero walang natatapos, hahaha.

Pero thank you parin sa mga nag-babasa, nag-vovote, at nag-cocomment! I really appreciate it a lot. 🥺

Wag masyadong mag-expect sa story na i2. Hihi.

Btw, share ko lang. Ang pinaka fav story ko sa SB19 Series na isinulat ko ay yung Series #4 which is story ni Justin. I love the plot tologo! You can also check it out on my profile! The title is Agonizing Desire.

Enjoy reading!!!

- Nahhhlia

Chapter 1: Kilalanin

Me
Lagi nalang bang ganyan? Lagi nalang ako! Lagi nalang ako yung nauuna, yung nag-eeffort, lahat! Lahat ako!

Agad kong pinindot ang send, mabilis naman siyang nag-seen.

Josh
Sorry...

Lalo akong nagalit dahil sa ni-reply niya. Seryoso ako dito tapos siya wala man lang ginagawa para magka-ayos kami!

Me
Tanggap ko yung pagiging gamer mo, pero sana ayusin mo yung oras mo. Hindi mo alam nawawalan ka na pala ng oras sa mga importanteng bagay katulad ko. O baka maman hindi na ako importante para sa'yo.

Pagka-send ko ay sinet ko sa blue ang chat colors at like sa emoji. Hindi ko siya kayang i-block.

---

"Bakit ko ba ginawa 'yon?" Natatawang tanong ko sa sarili ko.

Sinara ko ang diary at nahiga sa kama. Ang saya palang mag-basa ng diary, para kang nag-babasa ng isang istorya, pero istorya ng buhay mo. Aaminin kong ang immature ko pa nung time na 'yon. Hindi ko pa alam ang mga desisyon na ginagawa ko. Pero masasabi kong memorable at masaya ang high school life ko. Naranasan kong magka-crush, magkaroon ng matatalik na kaibigan, magka-M.U, magkaroon ng kaaway, magka-boyfriend at marami pang karanasan.

Naging masaya ako mula nang makilala ko ang isang taong di ko inaakalang magkakaroon ng isang malaking parte sa buhay ko. Nang makilala ko yung isang taong masayahin, gwapo, mabait, at mahilig sa games.

Nakakalungkot lang na yung taong nag-bigay sakin ng maraming memories, ay isa na lang rin sa mga memory ko.

---

"Santos."

"Present!"

'Yon ang una kong narinig pag-pasok ko sa room.

"Sorry ma'am I'm late." bati ko sa guro namin.

Agad akong na-upo sa pwesto ko at inayos ang sarili. Buti nalang hindi pa nag-sisimula yung klase.

"Ms. San Juan, one more late and I'll not accept you in my class. Warning ito sa inyong lahat." tinuro pa niya kaming lahat.

Tumango nalang ako bilang pag-sagot. Nag-simula na ang klase kaya nakinig nalang ako. Kailangan kong makinig at mag-aral ng mabuti para magka-roon ng mataas na grades.

"'Di ko ma-gets." rinig kong daing ng katabi ko.

Math ang subject namin ngayon kaya halos lahat ng kaklase ko ay matamlay. Medyo mahirap nga yung topic namin ngayon pero kakayanin.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon