CHAPTER 9: Hadlang

456 23 7
                                    

Chapter 9: Hadlang

"SHE HAS A cancer, cancer sa dugo or leukemia."

Tila gumuho ang mundo ko ng marinig iyon mula sa doktor. Unti unting bumuhos ang luha ko, hindi ko ito mapigilan. Biglang bumalik sa akin lahat ng masasayang ala-ala ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang masaya na ako? Kung kailan masaya na kami ni Jo?

"Jhe, wag kang umiyak. Gagaling ka. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka."

Pinahid niya ang luha ko gamit ang palad niya. Pati siya ay umiiyak na rin gaya ko. Mas masakit pang makitang umiiyak at nasasaktan siya ng dahil sakin kaysa sa balitang nalaman ko lang ngayon.

"Ikaw ang wag umiyak Jo, nasasaktan ako pag nasasaktan ka."

Huminga siya ng malalim at pinilit na pigilan ang mga luha na pilit lumalabas sa mata niya.

"Kaya natin 'to Jhe, lalaban tayo, lalaban din ako para sayo. Marami pa tayong pangarap na tutuparin."

Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. I don't know what to do right now.



LUMIPAS ANG ILANG araw, unti-unting lumalala ang sakit ko. Namumutla ako lagi at nanghihina. Wala akong ganang kumain.

"Joshiephine, anak. Kamusta ka na?" tanong ni Tita.

"Laban padin po Tita. Kaya ko po ito. Mawawala din 'to." sagot ko tsaka ako ngumiti.

Sa totoo lang, na-aawa at nahihiya na ako kala Tita, Tito, lalo na kay Jo.

"Tita, napaka-dami niyo na pong nai-tulong sakin. Hindi ko na po alam kung paano kayo pasasalamatan."

Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw pa, mahalaga ka samin dahil parang anak ka na rin namin. Importante ka samin dahil importante ka din kay Josh. Ikaw ang sobrang nag-papasaya sa anak namin, kaya lumaban ka."

Unti-unti na namang bumuhos ang luha sa mga mata ko.

"Tingin ko po nahihirapan na din si Josh. Nag-aalala na po ako sa kanya, baka po siya naman ang magka-sakit. Siguro, mas makaka-buti po kung ma-layo siya sa pag-aalala at sa problema."

Kumunot ang noo ni Tita. "Anong ibig mong sabihin Joshiephine?"

I gulped. "Siguro po, mas makabubuti kung mag-hiwalay nalang kami."

Halatang nagulat si Tita sa sinabi ko. Alam kong parehas lang kaming malulungkot dahil dito pero mas makabubuti ito sa kanya, wala na siyang masyadong poproblemahin.

"Pero Joshiephine, nangako si Josh sayo na kasama ka niyang lumaban. Kasama ka niya sa pag-galing mo. Wag kang susuko agad."

Ang dami nang pumapasok sa isip ko, hibdi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano ang susundin ko.

"Wag ka sanang mag-pasya agad agad. Isipin mong mabuti kung ano ang mas maka-bubuti sa inyong dalawa. Alam kong mahirap pero sana lumaban ka, hindi lang para sayo kundi para sa inyo ni Josh."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya sa kwarto ko. Naiwan nanaman akong mag-isa dito sa kwartong ito. Nakaka-suffocate ang amoy ng ospital, hindi ko talaga ito gusto.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad kong tinignan kung wino ang pumasok.

"Jo."

"Jhe, pasensya na ngayon lang ulit ako naka-rating. Medyo busy kasi ako sa trabaho, malapit na kasing mag-debut yung group ng company na pinag-tatrabahuhan ko, kaya kailangan nilang turuan ng maigi." bungad niya.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon