Chapter 6: Pandesal
Malinaw na ang lahat sakin ngayon. Kung bakit niya kinukulit si Jo. Kung bakit lagi niyang tinatawagan si Jo. She's so desperate.
"I'm sorry Jo, hindi dapat ako naniwala ng ganon ganon lang sa nakita ko, sorry sa mga nasabi ko."
Nasa park kami ngayon, nag-usap kami at nagka-ayos din.
"Ako nga dapat ang mag-sorry sa'yo, wala kang kasalanan. Ako yung nagkamali."
I held his face.
"Ang mahalaga okay na tayo. Ayokong nag-kakaganito tayo. Ayoko nang mangyari ulit 'to." I gently moved my thumb.
He smiled. "I promise Jhe, I won't let this happen again."
Kinuha niya ang kamay kong naka-hawak sa pisngi niya at hinalikan ito.
Maya maya pa ay nag-lakad na kami papunta sa bahay. Medyo gumagabi na din kasi.
I won't say the name of that ugly bitch. Iniwan niya si Jo at ngayon, siya yung magha-habol. Pinag-palit niya si Jo para sa isang lalaking mayaman na iiwan din pala siya sa dulo. Ngayong iniwan na siya, tsaka siya babalik kay Jo? No way. She even threatened Jo that something bad would happen to me kung hindi makikipag-balikan sakin si Jo. Kaya laging wala si Jo dahil sa babaeng yon. Nakipag kasundo si Jo na gagawin niya lahat ng gusto niya wag lang akong mapahamak. They went on a date always, kaya halos laging wala si Jo sa bahay nila at hindi nakaka-rating si Jo sa date namin. At kanina lang, she wanted Jo to make love with her para wala nang kawala si Jo. But guess what, hindi nangyari at hinding hindi mangyayari yon.
"Pumasok ka na, uuwi na ako. Baka hinahanap na din ako nila mommy."
Di ko namalayang nandito na pala kami sa bahay dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
"Paano ka?"
"Mag ga-grab nalang ako. Since hindi ko dala yung kotse."
Tumango nalang ako at hinawakan ang balikat niya.
"Ingat ka."
Paalis na sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang tumakbo sa bahay para sumilong.
"Ang lakas ng ulan. Pasok ka muna sa loob."
Kumuha ako ng tuwalya dahil nabasa siya ng ulan. Kumuha din ako ng damit sa cabinet ni JJ dahil basang basa ang suot niya.
"Mas maganda kung mag-shower ka muna. Baka magka-sakit ka pa." suggestion ko.
Tumango siya tsaka kinuha ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Nag-lakad naman muna ako papunta sa taas.
"Ate, sira yung banyo natin dyan sa baba. Dun nga ako sa banyo sa kwarto mo naligo eh." bungad ni JJ nang maka-salubong ko siya sa hagdan.
Agad na kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit? Anong sira?"
Nag-kibit balikat siya. "Ayaw lumabas ng tubig, ewan ko ba kung bakit."
Agad akong pumunta sa baba at kumatok sa banyo. Hindi ko talaga ginagamit sa pag-ligo yung banyo na 'yon. Pero no choice.
Marahan akong kumatok sa pinto ng banyo. "Jo? Wala daw lumalabas na tubig dyan sa gripo eh. Dun ka nalang sa taas maligo."
Tumalikod na ako at nag-lakad papunta sa lamesa para kumain ng saging. Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya lumingon agad ako doon.
"Pumunta ka na dun sa... Taas"
I gulped.
Here's Josh Cullen Santos standing in front of me, top less. Nanlaki ang mg mata ko.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...