Chapter 2: Ka-ibigan?
Me
Jo.Jo
Hmm?That's me and Jo chatting through messenger.
Me
May sasabihin ako.Hindi ko alam kung ise-send ko ba yung chat ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin lahat ng nasa isip ko ngayon.
Then I clicked send.
Jo
Ano 'yon Jhe?Kinakabahan ako. Nanginginig ang mga daliri ko habang nag ta-type. Should I let him know? Should I tell him? Right now?
'i love you...'
Naka-titig lang ako sa mga salitang tinype ko. What am I doing? Aksidente kong naihulog ang cellphone ko sa sahig dahil sa ingay na narinig ko.
Phew, pusa lang pala.
Agad kong kinuha ang cellphone ko. Nagulat ako dahil sa nakita ko. I accidentally sent it.
Me
I love you...Jo
Jhe?i love you too. Mahal kita dahil kaibigan kita.A tear slowly run down to my cheek. He loves me too, as a friend. Iniisip ko nalang na atleast mahal niya ko. Atleast mahalaga ako sa kaniya. Atleast nakaka-sama ko siya. Pero hindi sa status na gusto kong meron kami.
Me
Right, nag-dadrama lang ako HAHAHA.Eto nanaman ako, yung malaking 'HAHAHA' sa bawat chat ko, kasing laki ng sakit na nararamdaman ko.
Hanggang kailan ba ko magpapanggap na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya? Hanggang kailan ba ko masasaktan ng patago pag naka-talikod siya? Hanggang kailan ba ko mag-titiis na makitang may nagugustuhan siyang iba?
Jo
Jhe, salamat nga pala kasi tinulungan mo ako sa ibinigay kong regalo kay Joshlene.Joshlene, si Joshlene na bestfriend ko. Siya ang bestfriend ko since first year high school. Noong hindi ko pa nakikilala si Josh, siya ang lagi kong kasama. Ang galing noh? Sa aming dalawa, kahit ako yung nauna, siya parin yung pinili niya.
Me
Syempre naman, ikaw pa.Oo, ikaw pa. Kahit ikakasakit ko na gagawin ko parin. Ganon kita ka-mahal Jo. I love you more than friends.
Dumaan ang ilang araw ay ganon parin ang status namin. Since bestfriend ko si Joshlene, tinutulungan ko si Jo na mapalapit sa kaniya. Ako naman, eto nasasaktan ng patago. Sa tuwing nakikita ko sila na mag-kasama, nag-tatawanan, masaya, sana ganon din kami. Yung hindi kaibigan lang.
"Sakit niyo sa mata." rinig kong bulong ng katabi ko.
Naka-tingin kasi ako kay Jo at Joshlene na sabay kumakain.
"Problema mo?" asik ko sa kaniya.
"Halata namang nasasaktan ka na, nag-kukunwari ka pa."
Umirap ako sa kawalan. "Tss. Wala kang alam sa nararamdaman ko Joshua."
"Tama ka, kasi ang alam ko lang naman, mahalin ka." biglaang banat niya.
Natigilan ako dahil sa huling sinabi niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako." sinamaan ko siya ng tingin.
"Kilig ka lang eh." panunukso niya.
"Hmmp!"
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at naglakad palayo sa nakaka-iritang lalaking 'yon. Narinig ko pa siyang pinigilan ako pero nag-tuloy tuloy lang ako sa pag-lalakad.
"Crush mo ko 'no?" sabi niya sakin habang hinahabol ako.
"No way." pag-tanggi ko.
"Ah, Gusto mo si Josh."
Na-tigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Confirmed."
Nainis ako sa sarili ko. Bakit ko ba pinahalata?
I sighed. "Okay! Fine! Oo na, gusto ko siya. Wala namang mababago kung sasabihin ko sa'yo yung totoo diba?"
Nag-patuloy na ulit ako sa paglalakad. This time, iritang irita na talaga ako sa kaniya.
"Maybe, or maybe not."
Huminto ako at humarap sa kaniya.
"Stop giving me false hopes."
"You don't know what's running inside his head Joshiephine."
Nginitian niya ako at naglakad na siya paalis. Anong ibig sabihin ng sinabi niya?
Bumalik ako sa katinuan nang tumunog ang notification ng messenger ko.
Jo
Jhe, asan ka?It was Jo who messaged me. Hindi. Wag muna ngayon, hindi ko kayang makita siya ngayon.
Hindi ko nalang pinansin ang chat niya sakin at nag-patuloy nalang sa pag-lalakad. Lunch break ngayon pero di pa ako kumakain. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero iisa lang ang gusto ko, gusto kong mapag-isa.
"Sorry..." sabi ko sa taong naka-bangga ko.
Naka-yuko ako kaya hindi ko nakita ang muka ng taong naka-bangga ko. Nag-simula na ulit akong humakbang ngunit di pa ako nakakalayo ay may humatak sa braso ko.
"Josh..."
"Jhe, san ka pupunta? Bakit di ka nag-rereply sa mga chat ko?" tunog nag-aalala siya.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tangkang aalis na sana ngunit hinatak niya ako ulit.
"Josh naman! Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?" angal ko.
Kita ko ang pagka-bigla, pag-aalala at pag-tataka sa muka niya. Nag-simula nang bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.
"Anong--"
"Bakit ba ang manhid mo Josh? Josh mahal kita! Mahal kita higit pa sa kaibigan. Nasasaktan ako tuwing may kasama kang iba. Nasasaktan ako pag nakikita kong masaya ka nang hindi ako ang dahilan. Nasasaktan ako nang dahil sayo Josh! Mahal kita, pero--"
Hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin dahil di ko na kaya, sobrang sakit na. Wala na akong paki sa mga tao sa paligid ko. Sa wakas, nasabi ko rin yung mga bagay na matagal ko nang gustong sabihin. Yumuko nalang ako habang pinupunasan ang luha ko.
Hindi ko na inaasahan na s aganitong paraan pa ako aamin sa kaniya. Nakakahiya.
"Mahal din kita Jhe. Mahal kita, walang pero, pero." mahinang sabi niya.
Lumapit siy sa akin tsaka ako ikinulong sa mga bisig niya na ikina-gulat ko.
"I love you more than friends." he whispered.
---
"Ang arte ko naman. May pa-iyak pang nalalaman."
Nag face palm nalang ako dahil sa ala alang bumabalik sa akin. Napaka-corny.
"Di na nahiya, ka-babaeng tao mo girl." sabi ko sa sarili ko habang marahang tinatapik ang dalawa kong pisngi.
Ngayon ko lang na-realize kung gaano nakaka-hiya yung ginawa kong 'yon. Sa hallway pa talaga ng school ah.
"I swear I'll never do that again." natatawang sambit ko habang sinisinop ang diary.
Let's call it a day.
_______________
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...