CHAPTER 20: Pag-babalik

430 30 5
                                    

Chapter 20: Pag-babalik

SA LOOB NG ilang buwang hindi ko kasama si Jo, nandito si Joshua at JJ para samahan ako. May connection parin naman kami ni Jo through messenger, chat at video call. I really miss him. Three months has passed at nag-hihintay parin ako sa pag-balik ni Jo.

"Siya nanaman ba yung iniisip mo?"

Napa-tingin ako kay Joshua nang mag-salita siya. Kumakain kami ng agahan. Pumupunta siya lagi ng maaga dito sa bahay, kung hindi naman ay dito siya natutulog, sa kwarto ni JJ.

"Hmm, ang tagal lang kasi. Gustong gusto ko na siyang makasama ulit." mahina kong sagot.

"Kaya 'yan. Lahat naman kakayanin natin para sa taong mahal natin." sambit niya.

Tumango ako at isinawsaw ang tinapay sa hot chocolate na tinimpla ko at isinubo ito.

Nang matapos na kaming kumain ay kinuha ko ang laptop at mga gamit ko sa school para tapusin ang mga dapat kong trabahuhin. It's Saturday but I feel like it's already Monday.

Kasalukuyan akong gumagawa ng trabaho ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong tinignan.

Jo
Good morning Jhe, kumain ka na ba? I miss you so much.

Automatikong na ngumiti ang labi ko. Parang lahat ng pagod at stress ko ay nawala dahil lang sa simpleng message ni Jo.

Jhe
Good morning din. Don't worry, okay lang ako. Kaka-tapos ko lang kumain ng agahan, kumain ka na din. I miss you too, sobra sobra.

Matapos kong i-send ang reply ko ay tinignan ko ang picture namin ni Jo na naka-lagay sa picture frame,habang naka-ngiti parin.

"Uwi ka na Jo." bulong ko sa hangin.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at itinuloy na ulit ang ginagawa ko. Ginanahan ako sa pag-tatrabaho dahil kay Jo.

Pag-katapos ng ilang oras na pag-tatrabaho sa wakas ay natapos na ako. Bahagya akong sumandal sa upuan at pumikit. Muntik na akong maka-tulog namng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman ulit itong tinignan.

Jo
Jhe, pwedeng favor? Punta ka naman sa Burger King oh. May natanggap kasi akong message galing sa kanila, may surprise daw yung mga loyal customers. Since wala ako dyan, pwede bang ikaw nalang muna yung pumunta?

Agad naman akong sumagot.

Jhe
Oo naman. Sige, gagayak na ako.

Isininop ko na ang mga gamit ko at nag-handa para maligo. Nang matapos na kong maligo ay nag-bihis na ako. Jogger at white t-shirt na may maliit na print lang ng sinuot ko. Kinuha ko na ang lahat ng importanteng bagay na dadalin ko at lumabas na sa kwarto.

"Saan punta mo?" tanong ni Joshua.

"Sa mall lang."

Busy sa pag-gamit ng cellphone si Joshua pero itinago niya ito nang makita niya akong naka-bihis ng pang-alis.

"Hatid na kita."

"Hindi na, kaya ko na 'to. Dito ka nalang sa bahay. Tsaka di naman ako mag-tatagal don eh, may favor lang si Jo."

"Sigurado ka?"

Tumango nalang ako bilang pag-sagot. Nag-lakad na ako pa-punta sa labas at nag-abang ng taxi. Sinamahan naman niya ako habang nag-aabang ako ng taxi.

"Ingat ka. Text mo 'ko pag naka-rating ka na."

Tumango ako. "Sige, bye."

Tuluyan ko nang isinara ang pinto ng taxi at umandar na ito. I messaged Jo, sinabi kong pa-punta na ako sa mall. Matapos ang ilang minuto ay naka-rating na ako sa mall. Nag-bayad ako at bumaba na sa taxi.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon