CHAPTER 18: Maghihintay Ako

415 21 2
                                    

Chapter 18: Maghihintay ako

NAKA-HIGA AKO SA kama at naka-tingin lang sa dingding. Iniisip ko parin kung paano kami naka-balik sa dati. Na, pag-katapos ng lahat ng nangyari, kami parin pala sa huli. Im so thankful dahil binigyan ako ni god ng lalaking katulad niya. Hinding hindi ko na ulit siya pakakawalan.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mag-ring ang cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag, bumalik ulit ang ngiti ko.

"Hello? Jo, bakit?"

[Hindi kita gustong istorbohin sa pag-papahinga mo, pero gusto ko lang ipa-alam sayo Jhe.]

"Na?"

Sandaling natahimik ang kabilang linya, maya maya ay may narinig akong isang buntong hininga.

[Kahit anong mangyari, mangako ka saking kakayanin mo.]

Nag-salubong ang kilay ko dahil s anarinig. "Jo? Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari?"

[Basta mangako ka.]

Namuo ang pag-aalala sa isip ko. "Sige, pangako."

[Salamat Jhe, sorry na-abala pa kita. Mag-pahinga ka na ulit. Goodnight, I love you.]

Unti unti namang napalitan ng saya ang pag-aalala ko.

"Mahal din kita. Mag-pahinga ka na din."

Tinapos ko ang tawag ng may ngiti sa labi. Masaya ako dahil nakasama ko siya ngayong araw na to, pero hindi parin nawawala sa isip ko ang pag-aalala.


SABADO NGAYON kaya wala akong trabaho. Natapos ko na ang mga dapat kong gawin sa school. Bibigyan ko naman ng time ang sarili ko para mag-libang.

Naligo na ako at nag-bihis. Nag-suot nalang ako ng white pants at black na crop top, nag-suot din ako ng white cap.

Bumaba ako sa sala at nakita ko si JJ na pa-alis na.

"Oh ate, saan gala mo?" tanong niya.

"Kahit saan lang. Mag-lilibang lang ako."

Halos araw araw umaalis si JJ. Minsan ay once a week lang siyang hindi pumapasok, minsan nga buong linggo nasa trabaho siya.

"Hatid na kita."

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba male-late?"

Umiling siya. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Nang maka-sakay na kami sa kotse niya ay agad kong sinabi kung saan ba ako pupunta.

"Oo nga pala, napansin kong nawala na yung dalawang magulang daw natin." bakas ang iritasyon sa boses ko.

"Ate, hindi ka parin ba naniniwalang mga magulang natin sila?"

Nag-buntong hininga ako at sumimangot.

"Umalis sila. May aasikasuhin daw. Baka trabaho."

Teka, ano nga bang pake ko sa kanila?

Malapit na kami ni JJ sa pupuntahan ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Jo? Napatawag ka?"

[Pwede ka bang pumunta sa airport?]

Agad akong nag-taka dahil sa sinabi niya.

"Ha? Bakit naman?"

[Please?]

Actually, malapit lang yung airport sa pupuntahan ko.

"Sige, wait for me."

"Sino daw 'yon ate?" bungad ni JJ matapos kong ibaba ang tawag.

"Si Josh, pinapa-punta ako sa airport."

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon