CHAPTER 12: Imbitado

389 27 7
                                    

Chapter 12: Imbitado

MATAGAL DIN AKONG nag-isip at nakapag-pasiya na ako. Hindi na ako magsasayang pa ng oras. Nag-pasya akong puntahan si Josh sa company na pinag-tatrabahuhan niya.

"Ate, hatid na kita."

Umiling ako. "Hindi na, kaya ko na."

Nginitian ko siya at kinuha ang bag ko. Ready na akong umalis, ngunit hindi pa ata ako ready na malaman ang reaksiyon ni Josh.

"Alis na ko." paalam ko.

Tumango nalang si JJ. "Ingat."

Lumabas na ko sa bahay at nag-taxi. Medyo malayo dito ang pupuntahan ko, it will take 30 minutes to be there.

Habang nasa biyahe ay tinititigan ko ang number ni Josh sa cellphone ko, iniisip ko kung tatawagan ko ba ito o hindi. Muntik ko nang mai-hulog ang cellphone ko nang bigla itong tumunog, tumatawag si JJ.

"Oh bakit? May problema ba?" bungad ko.

[Gusto ko lang siguraduhing okay ka lang, asaan ka na ba ngayon?]

Tumingin ako sa bintana.

"Medyo malapit na."

[Sige ate, text mo 'ko 'pag nandoon ka na ah.]

"Hmm, sige."

In-end ko na ang call at nilagay ko na sa bag ang cellphone ko. Malapit na ako, malapit na ako kay Josh.

Bumilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako.

"Manong dito nalang po."

Nag-bayad na ako at bumaba na. Nasa kabilang gilid pa ng kalsada ang company kaya kailangan ko pang tumawid. Tatawid na sana ako nang maalala ko si JJ, ite-text ko muna siya.

Nang matapos ko siyang i-text ay tumawid na ako. Dahil may parking space sa harap ng building ay medyo malawak ang lalakarin ko, may hagdan pa-akyat sa entrance at glass ang pinto.

"Hala."

Agad kong pinulot ang cellphone ko sa sahig matapos itong ma-hulog. Buhay pa naman. Napansin kong may nag-park na kotse kaya napa-tingin ako doon.

Lumabas dito ang isang babaeng tila kilala ko. Naka-talikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya, pero masasabi kong kilalang kilala ko siya.

Pinagpag ko ang cellphone ko at inilagay ito sa bag ko. Dahan dahan akong nag-lakad, umakyat na ang babae at may lumabas na lalaki galing sa building. Niyakap nito ang lalaki na may halong tuwa, malakas ang hangin kaya hindi ko sila makita ng maayos mula dito sa kinatatayuan ko dahil sa buhok kong nililipad ng hangin papunta sa muka ko. Inilagay ko sa right side ng balikat ko ang buhok ko at hinawakan iyon, nag-lakad na ako palapit sa building.

Na-pukaw ang pansin ko nang may maramdaman akong may na-tapakan ako. Tinignan ko ito at pinulot. Isang puting sobre. Sealed pa ito. Hinawakan ko nalang ito at nag-patuloy sa pag-lalakad.

Tinignan kong muli ang dalawang tao sa di kalayuan, hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki at humarap sa direksyon ko.

Napa-hinto ako sa pag-lalakad, nai-hulog ko ang sobreng hawak ko, bumilis ang tibok ng puso ko at namuo ang luha sa mga mata ko.

"Josh..." bulong ko.

Halata din sa muka nilang dalawa ang gulat, lalo na si Josh. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman niya, kung masaya ba siya, galita ba siya o ano. Seryoso lang siyang naka-tingin sa akin habang hawak ang kamay ng babaeng kasama niya ngayon.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon