Chapter 3: Maling akala
Kakauwi ko lang galing sa school. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano nangyari 'yon? Paano nangyaring mahal din niya ako? Paano si Joshlene?
Nahiga ako sa kama ko at pumikit. Sinubukan kong alisin ang lahat ng nasa isip ko para makapag-pahinga. Di ko namamalayang unti unti na akong naka-tulog.
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa aking muka. Agad akong tumayo nang makita ang oras.
"My god 6:30 na?!"
Kinuha ko agad ang tuwalya ko at lumabas sa kwarto. Naka-salubong ko naman ang pamuwisit kong kapatid.
"Ate? May lakad ka?" tanong niya.
"Obviously, may pasok ako JJ." sarkastiko kong sagot.
"Buang, saturday ngayon."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Buang na nga ata ako.
"Hala si ate. Bungog."
"Tigilan mo nga ako!" sigaw ko.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at bahagyang hinatak ang buhok niya na parang sinasabunutan siya.
"Ate masakit!" daing niya habang pilit na inaalis ang pagkaka-hawak ko sa buhok niya.
"Masasaktan ka talaga sakin."
"Kuya Josh! Si ate oh!"
Inalis ko ang kamay ko sa buhok niya. Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang Josh.
"Yie, si kuya Josh lang pala magpapa-tigil sayo eh." panunukso niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, nag-peace sign naman siya. Pero kahit ganyan 'yang kapatid kong 'yan, siraulo, mahal ko parin siya syempre. Porket may jowa lang eh, daig pa ko ng 15 years old.
Kahit wala akong pupuntahan ay naligo na din ako. Baka tamarin pa ako mamaya eh. Pagka-tapos kong maligo at nag-bihis na ako ng pag-bahay at tumambay nalang sa YouTube habang nag-papatuyo ng buhok sa tapat ng electric fan.
"Ate! May naghahanap sayo! Manliligaw mo daw!"
Tss. Di nalang ako naniwala sa sinabi niya, manliligaw my face. Nanood nalang ako ng mukbang, parang nagugutom na din tuloy ako. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, may nag-chat.
Jo
Jhe, paki-bukas yung pinto.Nagtataka ako sa chat niya. Anong pinto?
Kahit nag-tataka, tumayo ako sa higaan ko at pumunta sa pinto ng kwarto ko para buksan ang pinto.
"Good morning, Jhe."
Nagulat ako dahil sa taong nasa harap ko ngayon.
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Susunduin ka."
"Bakit? Para saan?" tanong ko pa ulit.
"Basta mag-bihis ka na. O baka gusto mong ako pa mag-bihis sayo?" nginitian niya ako ng nakaka-loko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sayo Josh!"
Isasara ko na dapat amng pinto pero tinulak niya ito at pumasok siya sa loob ng kuwarto ko.
"Hoy Josh! Lumabas ka nga!"
Di niya ko pinakinggan at nag-dirediretso parin. Pumunta siya sa harap ng cabinet ko at binuksan ito.
"Hoy wag ka ngang mangialam."
Naglakad ako papunta sa kaniya. May nilabas siyang damit. Isang baby pink dress na hanggang tuhod.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...